Chapter 4

833 44 1
                                    

Wednesday came and I didn't go to school. Hindi ko gaanong maihakbang nang mabuti ang isang paa ko. Mas sumasakit lang kapag ginagalaw ko kaya hindi muna ako pinayagang pumasok ni Mamita. Tumawag na lang ito sa school para ipaalam na hindi muna ako papasok ngayon.

Pinagalaw ko ang swivel chair ko palapit sa study table. Katatapos ko lang nag agahan at kababa lang ni Ate Lala ng pinagkainan ko. Naiwan ulit akong mag-isa sa kuwarto kaya siguro magsusulat na lang muna ako. Binaba ko ang cellphone sa tabi ng laptop para magtipa nang mapansin ko ang pag-ilaw ng cellphone ko para sa isang message. Kunot noo ko itong dinampot at binasa.

Unknown:

You weren't at school today. How's your ankle?

Tumaas ang kilay ko, nagulat kung kanino galing ang text. It was an unknown number but I already have a hunch on who is it from.

Napanguso ako sa nabasa. I wonder how did Levi Zardeleja get my number. Hindi ako nagreply nang maya-maya ay may text na naman ito.

Unknown:

I'll be there during break to check on you. I got permission from your Mamita last night.

Nanlaki na ang mga mata ko. Mabilis akong nagtipa ng sagot, natataranta.

Ako:

I'm fine. Don't come.

Sumama ang tingin ko sa cellphone habang naghihintay ng sagot. Hindi ko alam kung nandito si Dada. Naaalala ko palang ang tingin niya kagabi ay alam kong may pinaplano na naman ito. My grandfather can also be sly at times. I don't want to be a puppet for his play.

Nang hindi pa rin nakakatanggap ng sagot mula kay Levi ay umirap nalang ako at pinagpatuloy ang naudlot na gagawin.

Whenever I write, I became lost in my own world. Hindi ko napansin ilang oras na pala akong nawiwili sa ginagawa. I just stop when I heard a honk of a car outside. Tinignan ko kung anong oras na sa cellphone ko. It's 10:15 am already.

Bigla akong kinabahan nang makita ang reply ni Levi ilang minuto ang nakalipas.

Unknown:

Nice try, Castañeda. I'm coming.

Napatayo agad ako sa kinauupuan. Tumalon talon ako gamit ang kaliwa kong paa habang nakaangat naman ang kanan. Lumapit ako sa may pintuan. Bahagya pang nainis dahil sa laki ng kuwarto ko ay ang layo ng agwat ng pinto mula sa study table.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nakita kong nakaakyat na ng hagdan si Mamita at Levi. Levi is still wearing his uniform. He looks stoic but seems uneasy. Hila-hila ito ni Mamita sa braso na sayang saya dahil sa presensya ng binata. Kumunot ang noo ko.

Lumiko sila sa banda ko kaya nagtama ang mga mata namin. Binigyan ko siya ng matalim na tingin.

"There she is."

Mamita announced as she gleefully went to me. Levi immediately scanned my foot. Wala itong elastic band dahil hindi ko pa nilalagay pagkatapos kong maligo kanina.

"Tignan mo itong si Levi, Raegan. Napakabait talaga na bata. Binisita ka pa rito dahil hindi ka pumasok."

I want to roll my eyes at Mamita. Kaya lang naman nandito si Levi ay dahil hindi kaya ng ego nito ang nangyari. Inaako nito ang kasalanan dahil masyadong mabait. Na g-guilty lang naman ito.

"Is Dada here?"

Tanong ko muna kay Mamita. Nagtaka ito pero dahan dahan ding umiling.

"Kanina pa umalis ang abuelo mo. Bakit?"

"Nothing."

Bumaling ako kay Levi na nakatingin sa akin.

Nagpaalam na si Mamita sa amin saka bumaba para gumawa ng meryenda. Naiwan kami ni Levi doon na walang gumagalaw at nagsasalita.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon