Chapter 12

662 27 6
                                    

Kinagabihan, iritado kong binura ang tinatype ko sa laptop nang kanina pa ako nagsusulat pero walang direksyon ang mga nasusulat ko.

I tried to write to get rid of things in my mind but to no avail. Hindi ko alam kung bakit ako naiirita pero sobrang kumukulo ang dugo ko ngayon.

I immediately shut my laptop and stood up. This won't do. I need a breather.

I reached for my jacket and bring my wallet and phone with me before I rush out of my room and out of the mansion. Tulog na silang lahat at ako na lang ang gising dahil lagpas hatinggabi na.

Dirediretso akong lumabas ng gate at naglakad papunta sa coffee shop na malapit. It's the same shop just outside our subdivision on where I went to when Amanda and I talked. Gladly it's open 24/7.

The chimes made a sound when I entered the shop. Dire-diretso ako sa counter para mag-order ng kape. After I got my coffee, saka ako dumeretso sa usual spot ko sa dulo ng shop at umupo.

Humigop ako sa mainit na kape saka tumingin sa labas ng transparent wall. Pinanood ko ang mga naglalakad sa labas habang nag-iisip. There's really a lot of things in my mind these days at minsan, para akong nalulunod sa dami ng iniisip. It's only when I write that I'm able to shut them up pero hanggang sa pagsusulat ay may iba pa rin akong naiisip.

I can't concentrate so I always seek for distraction. Hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali na parang may hinahanap ang sistema ko pero hindi ko alam kung ano o sino.

Napasabunot ako sa buhok. I'm a hopeless case.

Tumunog ang cellphone ko para sa isang text kaya bumaling ako roon.

Why are you out by yourself? It's already late.

Kumunot ang noo ko pagkabasa ng message galing kay Levi.

Luminga linga ako sa paligid para makita kung may nakatingin. It's no way that he knows that I'm here alone if he didn't see me.

My eyes automatically scanned the whole shop if he was one of the customers that are currently here pero hindi ko siya nakita.

I reached for my phone at waring may sariling isip ang mga kamay ko na tinawagan ang number ni Levi.

He immediately answered on the first ring.

"Where are you?", agad kong tanong nang sinagot niya ang tawag.

Narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya bago sumagot.

"Look outside."

Mabilis na hinanap ng mata ko kung nasaan siya mula sa labas nang huminto ang mga mata ko sa isang pigura na nakatingin sa akin sa kabila ng kalsada.

Nakapamulsa ang isang kamay ni Levi sa pantalon nito habang ang isa ay tangan ang cellphone nito sa tainga. He's wearing a simple white polo shirt paired with jeans and his Birkenstock slippers. Nang magsalubong ang mga mata namin ay saka niya ibinaba ang tawag.

Tumayo ako mula sa upuan at saka lumabas mula sa shop.

Nang nandoon na ako sa may gilid ng kalsada ay sinalubong ako ni Levi para hindi na ako tumawid papunta sa kaniya.

I don't know how my heart skip a beat when he's already standing in front of me. Parang kanina lang ay iritang irita ako sa kaniya ngunit ngayon ay naglaho iyon na parang bula.

"Why are you here?", tanong ko nang magtaka na nandito siya samantalang malayo ang subdivision ng mga Zardeleja sa amin.

Nakatingin ito nang mataman sa akin.

"I'm working on a requirement with my classmates.", tipid na sabi niya.

Nang makita na naghihintay ako ng dugtong ng sasabihin niya ay umiling ito.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon