Chapter 39

567 19 18
                                    

Umangat ang ulo ni Zara nang marinig niyang tawagin ko ang pangalan niya. Her face instantly lighten up when she figured out that it was me.

She let out a weak smile, "Raegan."

Blangko ang tingin na iginawad ko sa kaniya kahit nagtataka ako kung bakit siya nandito.

"Can we talk?", marahan niyang tanong gamit ang pagod na boses ngunit nang makita kong lumagpas ang tingin niya sa akin tungo sa kung sino ang nasa likod ko ay natigilan siya.

Nakita ko ang mabilis na paglamlam ng mata niya nang mapagtanto kung sino iyon.

"M-Maverick..." she managed to say with a low and shaky breath.

Ashton stood beside me. He scanned her from head to toe then he furrowed his brows.

"What are you doing here?", nagtataka ngunit mariin na tanong niya rito.

Nag-aalangan na ibinalik ni Zara ang tingin sa akin saka siya unti-unting tumayo. She looked at me like she's hesitating to talk. Marahil ay hindi nito inaasahan na makikita niya rin si Ashton habang naghihintay sa akin kaya hindi siya agad makapagsalita.

I watch her fidget with her fingers, clearly being nervous about something. I waited for her to speak until she finally found her voice.

"Uhh...a-about what happened--", parang hindi sigurado na panimula niya.

Bumuntong hininga ako.

"I already know what you did, Zara", agap ko.

Saglit lamang siyang natigilan at napamaang sa akin ngunit tumango rin kalaunan.

"I-I'm sorry...", maliit ang boses na sinserong usal niya.

I grunted.

"Is that all you wanted to say?" I know that I sounded so blunt but I just don't think that it was the only reason why she's here.

His father is detained while her mother is probably in the hospital. With that circumstance, she should've been there with her and not here apologizing in front of me.

The silence stretched for several minutes between us and I was not really as patient as I looked so I heaved a frustrated sigh.

"Zara I had a long day so if you don't have anything else to say you should just go."

Nang marinig ang iritadong tono ko ay doon siya maagap na nagsalita.

"I-I left home", she informed me.

Lumunok si Zara at hindi makatingin sa amin nang diretso.

"Papa was in a temporary bail...", panimula niya habang nakayuko ang ulo. "He found out what I did and...everything is just out of place. Mama is recovering well after what happened the other night but she's still not okay emotionally. Right now, the company is also in chaos at hindi na rin alam ni Kuya Rafael ang gagawin. Sa bahay naman, nag-aaway pa rin si Papa at Kuya Levi. I don't want to stay there anymore...wala lang akong alam na pwede pang puntahan kaya...d-dumeretso ako rito."

"I'll contact your brother to come and pick you up. You can't stay here."

Ashton was stern regardless of what Zara just said. I saw how pain flashed in her eyes because of that.

"You said it yourself, your father is on bail. Kung nandito ka, paano kung pumunta siya rito? He even hurt Raegan last time. Kaya hindi pwedeng nandito ka."

Akmang tatawag na si Ashton nang gumalaw si Zara nang bahagya at naalis ang nakatabing na buhok sa kaliwang pisngi niya. Nanliit ang mga mata ko nang may makitang pulang marka doon sa pisngi niya na hindi ko napansin kanina. Mabilis na pinigilan ko ang kamay ni Ashton sa pagtawag.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon