Chapter 23

539 20 0
                                    

I walked like a snail in the hallway silently cursing the one who decided that our classroom should have to be on the third floor. For months, my patience is continuously tested with this everyday struggle.

Pilit na humakbang ako paakyat ng hagdan. Sa bawat hakbang ay isa isang mura ang nauusal ko hanggang sa makarating ako sa pangatlong palapag.

When I finally reached our classroom, I was already too tired.
I immediately sat on my chair and groaned while wiping the sweat on my forehead.

Nang makabawi ay saka ko tinanggal ang nakasabit pa rin na bagpack sa likod ko. Nang maibaba ko iyon ay saka ko napansin ang pamilyar na paper bag na nakasabit sa gilid ng backrest ng upuan ko.

It was the same red paper bag full of snacks way before. Ngayon ko lang napagtanto na ngayon na lamang ako nakatanggap muli nito pagkatapos noong huli na nag-away pa kami ni Amanda noon.

Kumunot ang noo ko saka luminga linga sa paligid. None of my classmates are looking at me while they are all busy chattering around.

Who sent me this again?

"Good morning!"

Natuon ko ang mga mata nang marinig ang pagbati ni Zara nang pumasok siya sa classroom. Binati siya pabalik ng iba naming classmates nang dumapo ang mata niya sa akin. Nagkatinginan kami. She smiled widely at kumaway pa.

"Hi Raegan!"

This is the first time she decided to talk to me after what happened in their resthouse before during her birthday. Naikukwento ni Levi na patuloy pa rin akong kinukwento ni Zara sa kaniya simula noong umalis siya ngunit ngayon na lamang ako pinansin ulit nito.

Mabilis na tinabi ko muna ang paper bag sa gilid.

Pinanood ko siyang lumapit sa akin sa last row ng mga upuan. Nilapag niya ang bag niya sa armchair sa tabi ko at sumalampak ng upo doon.

Nang makita nito na hindi ako nasisiyahan sa presensya niya sa tabi ko ay lumabi siya sa akin.

"Why are you so grumpy ba?", maarteng tanong niya.

I stared blankly at her. She grinned at me.

"Tampo ka ba? You miss me 'no?"

I heard Zara chuckled when all the more I scowled at her. Umiiling iling siya sa akin saka naglabas ng mga gamit niya mula sa bag nito para sa pagsisimula ng klase namin.

Bumuntong hininga ako.

Pinigilan ko na lang ang sariling magsalita at hindi na umimik pa. Kinuha ko na lang mula sa bag ko ang librong hindi ko pa tapos basahin habang naghihintay sa first period teacher namin.

Mabilis na nagsidatingan na ang iba pa naming classmates. Nagkaroon na naman ng ingay. Narinig namin ang pag-uusap ng mga classmates naming nakaupo sa harap.

"Hindi pa talaga ako nakakaget over na wala na sina Kuya Juaquin dito. Matatapos na naman ang current semester pero naninibago pa rin ako."

"I know. I'm also looking forward on going back to school every time when they're still here because of Kuya Levi, only to be disappointed na hindi na pala talaga siya rito nag-aaral."

"Nakakapanibago nga na iba na mga myembro ng Council. Hinahanap hanap ko pa rin batch nina Kuya Levi lagi."

"We can no longer see how Kuya Jomarie goofs around and how Kuya Levi always scolds him too."

"I miss Kuya Levi."

"Me too."

Nanatili akong tahimik at inabala ang sarili sa pagbabasa kahit patuloy sila sa pag-uusap.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon