Chapter 38

542 26 14
                                    

When I arrived at the parking lot, I saw Ashton waiting for me in my reserved parking space. Marahil nang marinig niya ang sinabi ko mula sa tawag ay hindi na siya makapaghintay sa akin sa loob ng unit kaya't bumaba na siya rito para salubungin ako.

Tumabi siya sa gilid upang magbigay daan sa akin. Nang patayin ang makina ng sasakyan ay saka ako umibis mula doon. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay lumapit na agad siya sa akin.

He instantly scanned me from head to toe with worry in his eyes. Mariin ang pagkakakunot ng noo nito lalo pa nang pinanliitan nito ng mga mata ang pisngi ko kung saan dumapo ang palad ni Vince Zardeleja kanina.

Pinakatitigan niya iyon saka marahang nilapat ang kamay sa natuyo nang dugo mula sa sugat ko.

"What the fuck?", hindi makapaniwalang pagmumura niya. "He did this?", he asked me in a dangerous tone.

Tinabig ko ang kamay niya palayo sa mukha ko.

"It doesn't matter as long a--"

Ngunit bago ko pa man makompleto ang sasabihin ay galit na sininghalan niya ako.

"You woman! What were you thinking?!"

Naiirita nitong sambit lalo nang niyuko niya ang mga binti ko at nakita ang mga sugat ko doon.

Tumaas ang kilay ko sa kaniya dahil hindi iyon ang inaasahan kong magiging reaksyon niya sa nangyari.

I expected him to ask me about the details but he's throwing tantrums just because of my wounds.

"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung paano siya nahuli?"

Napapantastikuhan siyang nag-angat sa akin ng tingin. His nose is flaring with too much irritation because of me.

"I don't care! Ang problema dito ay ang pagpunta mo doon nang hindi mo sinasabi sa akin! Tignan mo nga itong nangyari sa'yo?"

Bumuntong hininga ito at tinignan ako na waring sumasakit ang ulo niya sa akin. Hinawakan niya ako sa palapulsuhan saka hinila papasok ng building ng condo unit ko.

Pagpasok namin sa elevator ay naiinis pa rin siya sa akin ngunit hindi ito nagtatanong kung anong nangyari.

I was waiting for him to ask until the lift stopped on the right floor but he didn't.

Pagpasok namin sa loob ng unit ko ay inutusan niya akong umupo sa sofa ngunit hindi ako nakinig. Nanatili akong nakatayo doon habang pinapanood siyang hanapin ang first aid kit sa kitchen cabinet.

Habang abala siya doon ay hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyari kanina dahil pakiramdam ko ay mistulang may kakaiba. I feel like there's something weird about everything. Although it was really my plan to destroy Vince Zardeleja, I didn't expect it to be this easy. I feel like I'm just the pawn but there's a mastermind behind all of this. At pakiramdam ko na ang taong iyon ay may mas malaking rason kung bakit gusto niyang maipakulong si Vince.

Habang malalim ang iniisip ko doon ay siya namang pagbalik ni Ashton sa sala.

"I told you to sit, didn't I?", istriktong saad nito.

Ngunit nang hindi man lang ako gumalaw sa kinatatayuan ay napapagod muli siyang bumuntong hininga.

Lumapit siya sa akin at hinila ako papunta sa sofa para umupo. When I was already sitting, he sat on the center table in front of me as he began to treat my wounds.

Salubong pa rin ang mga kilay na ginagamot nito ang pisngi ko habang okupado pa rin ang isip ko kaya hinayaan ko siya sa ginagawa.

Hindi makapirmi ang utak ko. Ngayon na natapos na ang lahat ay saka lang may malaking katanungan sa akin. It felt like I missed to see the bigger picture out of all of this.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon