Chapter 32

581 33 10
                                    

Kasalukuyan akong nagtitipa sa harap ng personal computer sa sariling cubicle nang sumilip na naman si Nara sa akin.

I sighed wearily.

Ilang beses ba dapat sa isang araw siya magpakita sa'kin para lang utusan ng boss niya? My father's really getting into my nerves.

"Kapapasa ko lang ng limang report na pinapagawa sa'kin Nara. Kasalukuyan akong gumagawa ng pang-anim. Hindi ka pa ba tapos?"

Hindi ko maiwasan na maibunton sa kaniya ang inis ko dahil siya ang inuutusan ni Daddy na magtambak ng gawain ko. He's really testing my patience since I'm even doing the work for something that is out of the scope of my job.

"Pasensya ka na talaga Raegan. He just really wants to train you vigorously since the weights of the empire you're about to inherit is too heavy."

Naiikot ko ang mga mata dahil ito naman ang lagi niyang sinasabi bilang pang-alo sa akin.

"How can I even finish everything he wants me to do daily? Even an ordinary employee with a decade of experience in this job can't finish these in 24 hours! What? He wanted me to rot in this seat while he can freely roam around the world and only return to the company whenever he wants?!", nauubos ang pasensya na angil ko.

This week, he has been feeding me lengthy amount of paper works samantalang isa o dalawang araw lang kung pumasok siya sa opisina sa isang linggo.

Lagi siyang wala at tuwing tatanungin ko kay Nara kung saan ba siya pumupunta ay laging nasa business conference ang sinasabi nito.

"Abala rin kasi siya sa preparations ng birthday ni Reign sa sabado kaya..."

Hindi na tinuloy ni Nara ang sasabihin nang bumuntong hininga ako at huminto sa ginagawa.

Binalingan ko siya ng tingin.

"He's thinking about her birthday while he's making me suffer here?", hindi makapaniwala kong tanong.

Nakagat ni Nara ang ibabang labi at napangiwi.

"Actually...he even ordered me to tell you that you need to go home to Cagayan for that. Uuwi rin daw kasi sina Doña Ana at Don Ric. Pag-uusapan na rin ang petsa ng kasal niyo. Gusto kasi nilang bago matapos ang taon gaganapin."

Napasapo na lamang ako sa noo dahil sa narinig.

I heaved a sigh in annoyance.

"Tell him I won't be home on weekends. I have an important appointment to do.", malamig kong pahayag. Isa pa nauna ko nang sinabi na magkikita kami ni Zara sa sabado.

Besides, it's not as if I even have a say to whatever they'll plan for the wedding. Para lang naman kay Dada kaya ko ito ginagawa.

Busangot ang mukha na umuwi ako ng condo kasama si Ashton kinagabihan. He left his car at the company and went home with me. Kanina pa ako naiirita dahil hindi na siya natigil sa pangungulit sa aking umuwi dahil maging siya ay binilinan din ni Daddy.

"Will you give me a break, de Vera? Pagod ako.", naiiritang saad ko nang makalabas kami ng elevator at maglakad papunta sa unit ko.

Nang makarating sa tapat ng pintuan ko ay tinapunan ko muna ng tingin ang kabilang pinto kung saan ang unit ni Vivienne.

I haven't bumped into her since the last time we met on my first day here. Mistulang laging walang umuuwi doon. Akala ko pa nga ay lumipat na siya ngunit wala naman akong bagong tenant na nakikita.

"We're going to talk about important matters, Raegan. Hindi lang naman ang birthday ng kapatid mo ang aasikasuhin natin.", pag-uulit ni Ashton nang makapasok kami.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon