Chapter 37

401 20 12
                                    

Nang makalabas kami sa silid ay nadatnan namin ang ilang kasambahay at ang ibang mga bisita ni Zara sa sala. Ngunit kahit naguguluhan silang nakatingin sa amin ay nilagpasan lamang sila ni Levi at nagpatuloy itong lumabas ng bahay habang buhat buhat ako.

Nang tuluyan na kaming makalabas at mawala sa mga mapanuring mga mata, akala ko ay ibababa na niya ako lalo nang makalapit na kami sa sasakyan ko pero hindi pa rin siya huminto.

"Put me down. I can already walk from here.", utos ko sa kaniya ngunit nagtiim bagang lamang ito na waring walang narinig.

Nagtuloy tuloy siyang maglakad hanggang sa makita kong patungo siya sa tahimik na parte ng village nila.

"I said put me down, Zardeleja! Ano ba?!", iritado kong bulyaw.

Doon lamang siya huminto. Nagkumahog ako mula sa hawak niya at bahagyang lumayo. When I'm already standing on my own feet, that's when he drew out a sharp breath. He's trying to calm himself down because of the whole fiasco back in their house earlier.

Nang handa na siyang magsalita ay kunot ang noo na tumingin siya sa akin.

"Why did you come here?", malumanay ngunit mistulang pagod na tanong niya.

"Why don't you ask your sister why did she ask me to come here?", I retorted back.

"Hindi mo ba alam kung anong lugar 'to?"

Ako naman ngayon ang nagkunot noo sa kaniya.

"Ashton hated this place---I hated this place. This is where he was accused of raping my sister.", he paused. Kinagat niya ang ibabang labi at lumunok bago nagpatuloy. "This is where I lost a f-friend.", dagdag niya sa mababang tinig. "That's why I never set foot in here anymore."

Natigilan ako nang marinig iyon.

"But...you still came.", I replied, pointing that out.

"Of course! How could I not be when Zara told me you're here?"

Dahil doon ay napaisip ako. If Zara knew that Ashton was accused of raping her here, why did she ask me to have dinner at this place? She knows that Ashton is my fiancé. Kahit sabihing walang personal na namamagitan sa amin,  she shouldn't have planned to let us celebrate here.

Nanliit ang mga mata ko nang may biglang maisip.

Naputol lamang iyon nang magtanong muli si Levi.

"What happened in there, Raegan?", biglang tukoy niya sa nangyari sa opisina ng tatay niya.

Umismid ako. I thought I already got his side since he said it himself that he was choosing me to the extent that he didn't even mind being disowned. Ngunit marahil ay gusto pa nitong alamin kung anong ginawa ko para saktan ako nang ganoon ng tatay niya. Looks like he won't just let his father be the only bad guy here.

I sighed in disbelief.

"I just showed him the flash drive and he just went ballistic.", I answered with a half-truth.

"A what?" Magkasalubong ang kilay na tanong niya.

"A flash drive.", naiinis kong pag-uulit.

"Why would he hurt you for a mere flash drive? Ano bang laman niyon?", naguguluhan niya pa ring tanong.

"Ask your sister. I got it from her office.", pabalang na sagot ko.

Why is he even interrogating me?

"Anong kinalaman ni Zara dito?"

"If you're that curious, why didn't you investigate even further so you'll see it for yourself? If your sister can dig up about your father that much, why can't you?"

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon