Chapter 15

580 27 1
                                    

Tinatamad akong bumangon sa kama nang marinig ko ang pagkatok at pagtawag ni Mamita sa pinto ng kuwarto ko. I glanced at my bedside table to see what time is it.

I groaned when it's still 10 am. It's a damn Saturday at balak kong matulog maghapon dahil katatapos ng exam namin ilang linggo pagkatapos ng outreach.

Balak kong magising bandang alas dos ng hapon pero binubulabog na ni Mamita ang kuwarto ko. I lazily got up from my bed and put my slippers on. Lumapit ako sa pinto habang kinukusot kusot ang mata.

"Raegan! I have news for you."

Nakapikit pa akong pinagbuksan si Mamita ng pinto pero bakas ang excitement sa boses nito.

"What?"

Walang gana kong sagot.

Pumasok muna si Mamita sa kuwarto ko habang naiwan ako sa pintuan. She opened my curtains. Nasilaw ako sa liwanag kaya mas lalo kong ipinikit ang mata.

I love my room dark. Kaya kahit umaga ay nakatabing ang makakapal at madidilim kong kurtina sa bintana ko.  But Mamita seems so excited right now that she disregarded that thought.

Hinila ako ni Mamita sa kama. Umupo kami doon. Nangingiti siyang nakatingin sa akin habang blangko naman ang mukha ko sa kaniya.

"Your father called."

Panimula niya. Tumaas ang kilay ko.

"Who?"

Walang kaemo-emosyon kong sagot. Mali yata ako ng dinig.

"Gusto ng Daddy mo na ayain ka magdinner."

That's new.

Humiga ulit ako sa kama dahil baka nananaginip pa ako.

I can't remember the last time my father and I ate together. 'Ate together' peacefully for that matter.

Lagi ay umaalis ang isa sa hapagkainan at nawawalan ng gana kapag magkasalo kaming kumain. Kung hindi kasi siya nakakapagtimpi sa akin ay hindi ko naman matagalan ang presensya niya.

"Stop saying nonsense Mamita. Just let me sleep."

Tinatamad kong sambit pero hinila ako ni Mamita paupo.

"Next month na ang birthday mo pero nasa ibang bansa ang Daddy mo sa panahon na iyon para sa isang business conference. Kaya maaga kayong magcecelebrate.", saad pa ni Mamita.

"What's the catch?", sarkastiko kong tanong.

Hindi ugali ng ama ko ang ayain ako sa kahit ano mang bagay. Pero kapag nangyayari iyon, may ibig sabihin.

May kailangan siya sa akin.

Bumuntong hininga si Mamita at tinignan ako nang mataman.

"Hija, alam ko na walang magandang nangyayari kapag nagkasama kayo. Pero baka naman puwede mong pagbigyan ang Daddy mo na makabawi sayo? Lagi kayong nagpapataasan tuwing magkaharap. Ngayon ay mabuti nga't nagpakumbaba na siya para makausap ka ulit. Let him be a father to you. Kahit isang beses lang muna, Raegan.", mahinahon na pakiusap ni Mamita sa akin habang hawak ang dalawang kamay ko.

Whatever.

Hindi na ako nakatulog ulit. Pagkatapos naming mag usap ni Mamita ay naligo nalang ako agad.

Balak kong lumabas muna para bumili ng libro dahil paulit ulit niya akong binibilinan na pumunta mamaya.

Binaba ako ni Kuya David sa isang National Bookstore. I didn't bother taking off my aviators as I went inside.

Nagsimula akong maglibot sa mga shelves para maghanap ng libro na pwede kong basahin. Paulit ulit ko na kasing binabasa yung kinuha kong libro sa bahay noon. Kailangan ko na ng bagong babasahin.

Wicked WitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon