Forbidden 1

41 2 0
                                    

"Bakit ba kasi hindi mo pa agawin si Cess sa syota niya, Alex? Mas boto ako sayo pare." sabi sakin ni Jomari habang naglalakad kami palabas ng school.

Half day lang kasi ang pasok namin ngayon. Tuwing Wednesday kasi ay bakante ang maghapon namin kaya heto kami ngayon at pauwi na.

"Oo nga, Alex. Mas bagay kaya kayo, promise. Kung ako sayo kikilos na ko." gatong naman ni Hazel na kasabay rin pala namin palabas.

Hindi ko nga alam kung bakit ba nila ipinagpipilitan si Cess para sa akin. Maganda naman siya e, matalino. Pero I'm into someone else. Isa pa, may girlfriend din siya. Pero sa kabilang banda, nararamdaman ko rin sa puso ko at naiisip ng utak ko na sana.. sana kaming dalawa na lang.

"Ano ba kayo, kaibigan ba talaga kayo ni Cess? Hindi ko magagawa yun sa kanya. Tsaka maraming masasaktan kapag nangyari yon, hindi pwedeng isipin ko lang ang sarili ko." inis na sabi ko sa kanila. Dahil kasi sa ginagawa nila ay tila unti-unti na rin akong nalilito sa nararamdaman ko.

Nito kasing mga nakaraang araw. Para bang gusto ko na rin siyang makasama palagi. Gusto ko siyang makausap kahit wala naman akong gustong sabihin. Gusto ko nasa akin lang ang atensyon niya. Gusto ko siya palaging katabi. At ang mga mata niya? Gusto ko sakin lang ito tumingin. Sakin lang...

Pero alam ko naman na malabo. Dahil meron siyang girlfriend ngayon. At tulad nga ng sabi ko kanina, I'm into someone else.

Kasalukuyan kong nililigawan si Rain. At kahit alam ko naman na malabong sagutin niya ako ay tinutuloy ko pa rin. Kahit nga alam ko na alam na niya ang nararamdaman ko ay hindi ko pa rin maamin-amin sa kanya ng harapan. Nahihiya kasi ako. Ayaw kasi sakin ng mga kaibigan niya. Probably because pareho kaming babae. Kaya nga hanggang ngayon ay hanggang ligaw tingin pa rin ako.

Sa di kalayuan natanaw nila Vince sila Joe at Cess. Magkahawak kamay at sweet na sweet na nag-uusap. Malabo kasi ang mata ko sa malayo kaya nang medyo makalapit ay nakita ko na rin.

"Uhmmm... First blood!" nakangising bulong sakin ng tropa kong si Trex. Masama ko naman siyang tiningnan.

"Gago!" ang nasabi ko na lang. Malamang mang aasar nanaman tong hayop na to.

Lumapit sila, kaya parang wala na rin akong choice kundi lumapit na lang rin. Nakita ko pa sa gilid ng mata ko na nakatingin sakin si Cess. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko siya ma-tingnan sa mata. Mas pinili ko na wag na lang tumingin at pagkuwan ay ipinasok ko na lang ang earphone ko sa tenga para hindi sila marinig.

Ilang minuto pa silang nag chikahan doon. Para bang hindi na matatapos. Niyaya ko na si Trex na mauna na kami sa kanila dahil sigurado na hinihintay na kami nila JM sa TNC.

"Guys, una na kame ah. Nag chat na rin kasi sila Dan." pag sapaw ko sa ingay nila. Tumingin sila sa direksyon namin at nagtama ang mga mata naming dalawa.

Hindi agad ako nakahulma. Gusto kong mag iwas ng tingin pero parang may kung anong masakit sa dibdib ko.

"Ganun ba? Asan ba daw sila ngayon?" tanong niya sakin. Sa pagkakataong ito ay nagawa ko ng iiwas ang aking paningin.

"TNC." hindi na ako nakatingin sa kanya ng banggitin ko ito. Bumaling ako kay Trex na nakikisali pa rin sa usapan.

"Trex, tara!" tumingin lang naman sakin ang kumag at sinabing ayaw niya pa.

"Mag dodota lang naman kayo don, maa-out of place lang ako." kupal talaga kahit kailan. Pero wala naman akong ibang magagawa kundi ang umalis na lang sa senaryo mag-isa.

"Hayop ka talaga! Di ka na namin tropa. Una na ko sa inyo!" ang niyaya ko na lang ay sina Jomari at Vince. Sumunod naman sila dahil suki din sila ng TNC.

Forbidden (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon