Kabanata 4

416 20 7
                                    

Kabanata 4

Binitawan

"Effective, Grace. Apir tayo dyan!" At nag apir nga sila.

Kagabi pa nila ako inaasar hanggang ngayon. matapos na mapicturan kami kagabi. Sinend niya pa sa gc yon, tapos kay kuya. Tapos ang loko, nung umuwi kami pinakita niya kay Mommy at Daddy. Tinatanong pa nila kung kailan ko ipapakilala yon!

"Hello Earth to Chelsea!" Sabi ni Leira habang winagayway ang kamay niya sa harap ko.

"Mr. Bodyguard, ako ngayo'y gulong gulo~" kanta ni Grace

Inirapan ko na lang sila pareho dahil hanggang ngayon hindi pa din nila ako tinitigilan. Naremove ko na sa cellphone nila pero sa gc? Hindi, ayaw maremove kainis!

Lunch time namin ngayon pero kami kami lang ang magkakasama ngayon.

"Ano pala nangyari kagabi?" Nakangising tanong ni Leira kay Grace

Napakunot na lang ang noo ko at nanatiling nakikinig

"Ah kay Ryko? Ayon, busted" sabi ni Grace saka humagalpak ng tawa.

"Niligawan ka girl?" Tanong ko.

"Syempre hindi. Inunahan ko na, doon din yon pupunta.." taas noo niyang sagot.

Sabay kaming napahampas sa noo ni Leira dahil sa sagot ni Grace. Kahit kailan talaga. She more prefer books than boys.

"Kapal ng muka."

"Assuming.." sabat ko.

"Duh. Totoo naman, niyaya niya kaya ako kagabi sumayaw.." mapagmalaki niya paring sagot.

"Eh sa inyo Chel-- alekhxbsjsii" bago niya pa matuloy sinalpakan ko na ng french fries ang bibig niya, aasarin na naman ako e.

"Just eat your food." masungit kong sabi at kumain na kami.

Papunta na kami sa next subject namin and thank god, magkakasama kaming tatlo ngayon. At wala sila Damon dito, bakit ko ba siya iniisip?

Umupo naman kami sa bakanteng upuan sa dulo at nilabas ang yellow pad paper namin. Nakalagay lang naman kase sa board na essay, 300 words. Agad ko ng sinimulan at madali lang naman mag gawa ng essay.

Pagkatapos pinasa ko na yung papel ko at agad bumalik sa upuan ko. Matapos yung dalawa ay nagpasa na rin sila.

"Si Ryko oh.." turo ko doon sa lalaking nakatayo sa gilid ng room namin

Nasa garden kase kami, nakaupo kami sa may bench dito at nagpapahangin. Hassle ng schedule, may program pa bukas kaya heto pressure na naman. Mag m-meeting kasama ang President, Vice, at Secretary letche. hapon pa ang meeting bukas

"Shh. Baka suntukin ako niyan.." mataray na sagot sa akin ni Grace

"Ryko!" Sigaw ni Leira kaya naman tinakpan ni Grace ang bibig nito

Tignan mo 'to. Busted busted tapos ayaw magpakita. Ghoster siguro 'to.

"Ajowhhsjzjj"

Tatayo na sana ako ng may humawak sa braso ko.

"Si Damon oh." nguso niya doon sa papalapit.

"So what?"

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pinilit ko na maging mataray.

"May klase kapa. tara na."

Pagkasabing pagkasabi niya, hindi pa man ako nakakapagsalita ay kinakadkad niya na agad ako. Alam niyo yung kaladkad!? As in kaladkad!

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now