Kabanata 30

256 7 2
                                    

Kabanata 30

The real me

"Hindi mo ba talaga gustong malaman ang pangalan ko?" Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng masungit na 'to

"Hindi, wala akong paki." Kay Coco gusto ko malaman ang surname niya, pero sa masungit na'to? Kaniya na lang!

"Chels, mata mo." Napatigil naman ako sa pag irap ng sinaway ako ni kuya

"Okay, sorry. Bakit ba narito ka?" Masungit kong tanong

Isang taon ko na siyang kinakausap at sinusungitan pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong balak itanong ang pangalan niya. Tuwing nababanggit ang pangalan niya ay tinatakpan ko ang tainga ko dahil ayaw ko pa rin malaman.

Nasa room namin siya ngayon habang si kuya ay binabantayan ako. Duh?

"Mauuna na ako, tara na bro."

Binelatan ko lang yung masungit na yon ng hilahin siya si ni kuya. Kinunutan pa ako ng noo, pangit!

Lumabas ako ng room namin dahil wala pa naman ang teacher namin. May nakita akong batang inaaway doon kaya agad akong lumapit.

Pwede ko siyang maging kaibigan

"Hoy!" Itinulak ko ang babaeng nasa harapan noong babaeng nakasalamin na sa tingin ko ay leader nila

"Ew! Don't touch me. Who you ba!?" Sigaw nito sa akin kaya napairap ako

"Wag mo nga akong ma ew-ew dyan babaeng hampas lupa. Bakit inaaway niyo ito?" Turo ko doon sa nakasalamin

"Ano bang pakialam mo!?" Angal sa akin nung babaeng umalalay sa leader nilang pangit

"Wala akong pakialam sayo, dito sa batang ito." Sabi ko saka umirap sa kanila

Tinulungan kong tumayo yung babaeng nakasalamin, ngumiti ito at ako naman ay humarap sa dalawang ito. Sasampalin na sana ako nung leader nilang pangit ng unahan ko siya

"Wala pang nasampal sa akin." Kumunot na ang noo ko ng biglang umiyak, iyakin naman pala ito eh.

Nagulat na lang ako ng may umalalay sa kaniyang lalaki at siya pa yata ang nagulat sa akin. Yung crush ko tinutulungan ang pangit na leader na ito!?

"Erika, ayos ka lang ba?"

Hinila ko na ang babaeng nakasalamin at lumayo doon.

"Salamat ha?" Sabi nito

"Bakit hindi mo nilabanan? Dalawa lang yun" sumimangot ako saka tumabi sa kaniya

"Sisirain niya ang libro ko eh. Napakasama talaga ng ugali ng Erika na 'yon." Tinanggal niya ang salamin at itinago sa lalagyan. Nilahad nito ang kamay niya at ngumiti "Grace Miranda."

Tinanggap ko iyon, "Chelsea Silvestre"

Simula ng araw na iyon ay naging mag kaibigan kami. At ngayon ang araw kung kailan tinawag ako ng principal

"Bakit sinampal mo ang batang 'to?" Tanong sa akin ng Principal.

Kasama ko si Kuya, si mommy at si Daddy.

"Sasampalin niya po dapat ako. Inunahan ko lang siya." Umirap ako

Narinig ko ang pag singhap ng iba sa sinabi ko. OA naman ng mga 'to! Kahit sila ganoon din ang gagawin para hindi sila masaktan. 'Tong Erika na to, pa victim masyado.

"Mommy, I want her out of this school!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng pa victim na ito

"What!?" Reklamo ko "Immature! Ikaw ang nang aaway dito."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon