Kabanata 29

231 8 1
                                    

Kabanata 29

Nagdiwang ng hindi nahahalata

Halos hindi ko alam ang nararamdaman ko. Kakabitaw ko lang ng yakap ko sa kaniya, nakangiti lang siya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Nung naramdaman ko yung suntok mo, silver naalala kita."

Inihatid niya na ako pag kauwi medyo gumaan din naman ang pakiramdam ko. Panigurado akong alam na ni Kuya ito.

"Salamat, Coco."

"Ngayong ayos na tayo, ayusin mo na din ang inyo."

Tumango lang ako at biglang napaisip. Pakiramdam ko lahat sila nagsisinungaling

Pagkapasok ko sa bahay ay nakaupo sila lahat sa sala.

"Nakita ko na si Marco." Nginisihan ko si kuya na nanlalaki ang mata na nakatingin sa akin "Surprised, huh?"

"Ewan" nagkibit balikat lang ito

Itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Daddy na naka akbay kay mommy. Sana all?

"Dumaan si Damon kanina dito" sabi ni Daddy kaya nawala ang ngisi ko

"May problema ba kayo, nak?" Umiling lang ako sa tanong ni Mommy

"Iniiwasan mo ba?" Bigla akong napalunok at umiling

Yes, lies.

"Anak, boto kami kay Foncio." Sabi ni Mommy

Ako hindi boto. Ma, malandi daw ako. Boto pa din ba kayo?

"Kuya, sino yung kasama mo dati na masungit?" Tanong ko dito

"Damon."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. What the hell!? All this time siya yung malaking epal sa pagkakaibigan namin ni Marco!? Siya ang nag sumbong kay kuya!

Umirap na lang ako saka dumiretso sa taas. Epal talaga siya, tinext ko si Damon na bukas na kami mag usap.

From: Demonyo

Okay.

Akala mo naman maapektuhan ako sa okay mo!? Hindi no! Umirap na lang ako at tinapon ang sarili ko sa kama hanggang sa bumigat na ang talukap ng mga mata ko

Kinakahabahan akong pumasok sa room ngayon. Shit, anong nangyayari sa akin!? Naiinis na ako. Pinakalma ko muna ang sarili ko saka pumasok sa room. Taas noo akong ngumiti at tinignan si Damon.

Huling silay na 'to ano! Duh?

"Ngiting aso ka naman ngayon?" Sabi ni Grace na umiirap sa akin

"Whatever"

Mabilis na natapos ang klase namin kahit puro quiz ang ginawa namin ngayon. Pasado naman ako eh, duh?

"Damon," tawag ko dito, tumingin naman ito sa akin "usap tayo mamaya." Sabi ko at hindi na muli siyang tinignan

"Chels"

"Hm?" Tumingin ako kay Leira na nakabusangot

"Kinukulit talaga ako ni Daddy"

"Kilala mo na kung sino?" Tanong ko dito

"Hindi pa nga e"

"Iw, matatali" natatawang sabi ni Grace

"Itanong mo kase, baka magsisi ka sa huli" sabi ko saka umirap

Buti hindi ko naging daddy si Tito Levi, nako dahil talagang lalayas ako. Itong kaibigan ko naman hindi ko alam kung gusto niya ba o hindi. Kapag gwapo, susugudin niya na yan tsk.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Donde viven las historias. Descúbrelo ahora