Kabanata 6

328 15 1
                                    

Kabanata 6

Practice

Leira: Bilisan mo maligo!

Grace: Hoy, paalis na ako

Leira: Asan na ba si Chelsea!? Tulog mantika pa naman yon

Yan agad ang bumungad sa akin pag open ko ng laptop dahil tadtad ng messages at calls yung cellphone ko. Sabado ngayon kaya may practice kami ngayon, kung hindi dahil doon edi sana nag lalaro lang ako ng tennis psh.

Chelsea: anak ng. Bakit naman tinadtad niyo ako!?

100+ messages, 50 missed calls. See?

Leira: bagal mo, nasa labas na kami

Agad kong pinatay ang laptop ko at dali daling naligo. Ang aga naman nila! Wala nga pala sila daddy at mommy, kagabi pa sila umalis. Nagtagal muna ako doon at nag suot na lang ako ng simpleng white T-shirt at denim short na kulay black. Nilaglag ko ang buhok ko at nag pulbo saka kinuha ang cellphone ko at dali daling bumaba

"Kuya?" Tawag ko pagkababa ko.

Nakarinig ako ng tawanan sa kusina kaya pumunta agad ako doon. Wow. Nakain na sila lahat, kumpleto ang hot apples. Psh, hindi man lang ako tinawag psh

"Nawito kwa na pwala!" Sabi agad ni Leira habang ngumunguya.

"Yuck. Ubusin mo nga yan!" Singhal ko.

Terno pa kami ng damit. Ugh, nakakainis.

"Talagang tinagalan mo eh ano?" Sabi ni Grace. umirap na lang ako sa kaniya saka umupo sa upuan sa gitna nila ni Leira.

Kumuha ako ng fried rice, hotdog at naglagay ng ketchup. Pag angat ko ng tingin, nakatingin sila lahat sa akin.

"What?" Inosenteng tanong ko.

"Yie. Terno! Pinag usupan niyo ba yu--" hindi na natuloy ni Grace yung ng putulin ni kuya yon.

"Shut u-"

"Pinag usupan niyo damit niyo ano!?" Sabat ni Leira bago matapos ang sasabihin ni kuya.

Hindi talaga siya mapipigilan ni Kuya. Narinig ko naman ang pag tawa ni Lance kaya napatingin ako sa kaniya.

"Nice laugh." ngisi ko sa kaniya.

Napa face palm na lang ito at kumain na uli. Hindi ko na uli narinig magsalita si Damon kaya naman kumain na kami ng tahimik, pero ako lang yung tahimik kumain dahil nag dadaldalan pa sila habang kumakain amp.

Matapos naming kumain ay dumiretso kami sa sa sala at napag usupan namin yung sa talent portion.

"Back up kami!" Parehas na sabi ni Leira at Grace.

"Teka. Ano bang gagawin ko?" Tanong ko.

"Kakanta kayo." sabi ni Kuya.

"Ha? Hindi ako kumakanta" tanggi kahit kumakanta talaga ako.

Hindi ko lang talaga gusto kumanta lol. Lagi naman nila akong inaasar kapag naririnig nila ako, nakakainsulto kaya.

"Talaga?" Agad ipinakita ni kuya ang cellphone niya sa tapat namin at iniplay ang video.

Letse, ayan yung kumakanta ako ng statue noon! Naandoon pa ako sa may Kwarto at nakatingin sa salamin habang ang kamay ko ay parang mic.

Agad kong inagaw ang cellphone ay dahil iiyak na ako pagkatapos noon. "Okay, kakanta na ako." Inis na sabi ko.

Sabay sabay silang tumawa sa akin at sinimulan ng i set up ang kakantahan namin. Maganda rin kaya ang boses ni Damon? Siya daw kasi ang nag request na kakanta dahil hindi niya daw trip na sumayaw. Parang magiging banda yung labas namin, si kuya ang mag sasabi ng kakantahin namin dahil hindi naman siya makakasali.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon