Kabanata 26

214 7 1
                                    

Kabanata 26

Galit

"Chelsea?" Mukang nagulat pa ito na nakita niya ako dito. Ngayon.Agad akong hinila papasok ni Dylan pagkakita niya sa akin. "Bakit nanginginig ka?"

Pinaupo niya ako sa upuan kung saan malapit akong umupo. Nagkwekwentuhan na ngayon sila Damon, hindi naman nila ako napansin dahil nakayuko ako.

"Chelsea!" Napatunghay na lang ako ng marinig ko ang boses nila, inabutan niya ako ng isang basong tubig kaya agad ko itong tinanggap.

"Salamat, mauuna na ako" akmang tatayo na ako ng tumayo ito at pinaupo nila ako

"Nandito si Damon, bakit hindi ikaw ang kasama?"

"Ha? Nandito?" Umakto naman akong parang may hinahanap at matagal pa bago ko inilipat ang tingin sa lalaking nakaupo malapit sa table namin.

"Don't fool me. I know you know." Umiling iling ito sa akin kaya bumuntong hininga ako. Tumayo muna ito at maya maya lamang ay umorder na rin ito, ioorder pa sana niya ako ng sabihin kong kakakain ko lang kanina

"Do you know Lexi?"

Mabilis itong umiling. Hm?

"Totoo?"

Tumango ito kaya ngumiti lang ako. "By the way, bakit parang nagmamadali ka?" Tanong nito habang kumakain

"Wala lang"

Nagpatuloy ito sa pagkain na para bang hindi niya narinig ang sinasabi ko.

"Nagseselos ka ba?" Tanong nito saka siya tumingin kay Lexi

"No" mabilis kong sagot

Sumilay sa labi niya ang nakakalokong ngiti kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa. Napangiwi pa ito saka ako sinamaan ng tingin

"Grabe, ikaw lang 'tong nananakit sa akin. Alam mo bang ang mga babaeng lumalapit sa akin ay nilalambing ako?" Umiling iling ito kaya ako natawa

Tama nga ang sabi nila. Si Dylan Montemayor na kaharap ko ngayon ay sobrang yabang.

"Mayabang ka talaga" umirap ako sa kaniya

"Gusto mo bang magselos siya?" Tanong nito kaya mabilis akong umiling

Tumawa siya ng sobrang lakas kaya naman ang ibang costumer dito ay nakuha niya ang atensyon. Agad nabaling ang tingin nila Damon at Lexi sa amin kaya agad kong tinakpan ang bibig niya, ramdam kong nakangisi sa akin ngayon si Dylan.

Bwisit na playboy na ito.

Agad kong inalis ang kamay ko sa bibig ni Dylan ng hawakan niya ang kamay ko.

"Siraulo" sabi ko sa kaniya kaya ngumisi lang siya

"Kung nakikita mo ngayon si Damon, ayan nakakuyom ang kamao. Balak yata akong suntukin" kalmadong sumandal lang ito sa upuan saka nag kibit balikat

"Aish, ewan ko sayo."

Umirap na lang ako sa kaniya at nag crossed arms sa harapan niya. Ngumiti ito sa akin kaya lumabas ang malalim na dimple niya.

"Malapit na siyang lumapit dito. Come here, lapitan mo ako." Sinunod ko naman ang gusto niya kaya lumapit ako

Napatili na lang ako ng bigla niyang kabigin ang batok ko at halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit ko sa muka ni Dylan. Ngumiti lang sa akin si Dylan na parang alam niya ang ginagawa niya. Nakarinig ako ng yabag na parang may lalapit sa amin.

Nararamdaman ko na ang hininga ni Dylan sa muka ko, ilalapat na sana niya ang labi niya sa akin. Aatras na sana ako ng biglang may humarang sa mga muka namin.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now