Kabanata 12

252 11 2
                                    

Kabanata 12

Care and shit

Kanina pa ako naglalakad dito sa corridor at dito ako dinala ng mga paa ko sa garden. Sumandal ako sa puno, Ditch class will do. Para akong nawalan ng boses sa nangyari kanina, nakalimutan ko ng pumunta sa room namin.

"Sa akin wala pero kay Damon meron."

Umiling iling ako sa iniisip ko. Damn it. Anong ginawa ko? Wala nga akong alam na pwedeng makasakit sa kaniya. Gusto ko lang magpakatotoo sa sarili ko, dahil hindi pwede.

Nakapikit lang ako rito habang ninanamnam ang hangin na sumasagi sa balat ko. Parang anytime ay sasabog na lang ako bigla, mas gusto ko pa nga iyon kesa naman nagkakaganito ako. Kanina, napa away pa ako dahil sa letcheng babae na iyon. Bakat pa din ang kamay niya sa pisngi ko at alam kong ganoon din ang muka niya.

Ano bang nakain ng palaka na 'yon? Dapat nga magpasalamat siya dahil wala ako sa mood kanina. Kase talagang iba ang gagawin ko sa kaniya, kanina lang uli ako sumampal ng tao, este hayop.

"Ditch?"

Agad akong napamulat ng makarinig ako ng boses pero napairap na lang ako ng makita ko si Marco. Ginagawa niya rito? Napansin ko naman na parang may sugat siya sa pisngi

I just shrugged my shoulder, avoiding him. I don't wanna talk to them, even him or someone.

"Do you have a problem?"

I shook my head.

He patted my head "You don't want to talk about it?"

I shook my head again.

"Okay." Then he sat next to me.

Nanatili pa rin akong tahimik kahit kating kati na akong kausapp ko siya. I'll do fair treatment.

"Bakit hindi ka umattend sa klase niyo? May quiz kayo ngayon.." Sabi niya.

Tumingin lang ako sa kaniya na para bang alam ko ang ginagawa ko. Kinuha na yata ang boses ko pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano bang nagawa ko.

"Is there something bothering you or someone?"

Someone. Pero hindi ko na sinagot iyon, sumandal lang ako sa balikat niya at pumikit.

"Wake up." Agad akong nagising sa mahinang tapik sa pisngi ko.

Hindi na ako nagulat kung sino ang gumawa noon dahil siya lang naman ang kasama ko.

"Malapit na mag uwian, baka hinihintay ka na nila.."

Pinagpagan ko ang damit ko at tumayo. Hindi ako ngumiti pero yumakap ako biglang pasasalamat siya, halatang nagulat pa siya pero yumakap pa din siya.

"Everything will be alright." Sabi niya at nabigla ako ng may nilagay siya sa noo ko at tuluyan ng umalis sa harapan ko.

Agad kong kinuha ang sticky note

0935******

Call me if you need anything, and I'll be there.

Napangiti na lang ako saka sinave sa phone ko iyon. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nung makita ko silang magkasama. Nanatili pa rin akong tahimik na kinuha ang gamit ko at nilampasan lamang sila.

"Where have you been!?" Sigaw agad sa akin ni Leira, umattend ako ng last class ngayon.

Hindi ako umimik.

"Wala siya sa mood, Leira." Sabi ni Grace na nakapag patahimik kay Leira.

I want to thank her, but I can't.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon