kabanata 22

228 8 1
                                    

Kabanata 22

Stay

"Nakakasakit ka ng ulo!" Inis na sabi nito

"Erika, gumawa ka ng paraan. Wag mong isisi sa akin ang pagkukulang mo bilang girlfriend." Kinuha ko na ang bag ko at ganoon din ang ginawa nina Leira "I lost my appetite, If you'll excuse us."

Umalis kami doon kahit hindi pa kami tapos. Nandito kami sa garden ngayon,  nandito ngayon ang boys at kanina pa ako pinagsasabihan. Kasalanan ko pa ba yon. Duh? Si Damon lang ang wala

"Ano na naman 'tong nabalitaan ko?" Salubong sa amin ni Kuya

"Ginawa ko lang ang dapat." Kalmado kong sagot

"Bagay lang kay Erika yon" pagtatanggol sa akin ni Grace

"Kahit na, Grace. Pag ito nalaman ni mommy." Seryosong saad ni kuya

"Kuya, siya ang nauna." Sabi ko habang umiirap

"Dapat hindi mo na lang pinatulan" sabat ni Lance na naka earphone, may sounds ba yon?

"Naiinsulto ako." Pag amin ko

"Kakausapin namin ni Lance mamaya iyon." Tumango lang si Lance biglang pag sang ayon

Magsasalita na sana ako ng napukol ang atensyon ko sa dalawang naglalakad papunta sa amin. Kumirot pre, nagtatawanan e. Minsan lang siya tumawa sa akin, psh ano bang iniisip ko?

"Nandyan na pala si Damon!"

Katulad ng kanina ay hindi ko na siya tinapunan ng tingin. Nung naramdaman kong umupo siya sa may tapat ko ay tumayo agad ako. Kinuha ko ang bag ko, kasama niya si Lexi.

"Mauuna na ako." Mabilis na sabi ko

"Kararating pa lang ni Damon ah" takang sabi ni Leira

"May gagawin pa ako" palusot ko

Naramdaman kong tumingin pa sa akin si Damon pero tumalikod na agad ako. Nakatungo lang akong maglakad papabalik sa room ng may nabangga ako bigla akong natumba. Hindi ko man lang binalak tumayo pero may nag angat sa akin.

Sumilay ang nag aalalang muka ni Dylan sa harapan ko habang inaalalayan niya ako

"Okay na ako, salamat." Inaalis ko ang hawak niya sa bewang ko pero ayaw niyang alisin

"Muka ka namang hindi okay."

"Okay lang"

"Kailan ka pa natutong tumungo tuwing naglalakad? Araw araw kitang nakikitang taas noong maglakad." Nakita ko ang pag di sang ayon niya sa sinabi kong okay lang ako

"Ngayon lang" pinilit kong ngumiti

"Sus. Palusot mo, ihahatid na kita sa room niyo."

Akmang lalakad na kami ng pigilan ko siya. Sinabi ko na doon na lang kami sa bench sa may gilid, inupo niya naman ako doon. Naiilang na ako sa mga tingin niya kaya sinalubong ko na ito

"Bakit ba nakatingin ka?" Inis kong tanong pero tumawa lang siya

"May problema ka ba?" Kunot noong tanong niya sa akin

"Wala?"

"Bakit parang hindi sigurado?"

"Kase wala namang sigurado?"

"Bakit walang sigurado?"

"Gago. Pinaulit ulit mo na" natatawang sabi ko kaya napakamot na lang siya sa ulo niya

"Lalaki ka diba?" Tumango ito na parang nawiwirduhan sa akin "Nagkagusto ka na ba?"

"Hindi." Napairap na lang ako sa walang kwentang sagot niya

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now