Kabanata 32

223 7 0
                                    

Kabanata 32

Curiosity

*KRINGGG KRINGGG*

Galit kong inabot ang cellphone ko ng mag ring ito. Istorbo! Ke aga aga pa eh!

"Hello!" Galit kong sabi kung sino man ang tumatawag ngayon, ang aga aga pa eh! Mamaya pa ang pasok ko

"Agahan mo pumasok" hindi ko malaman kung sino ang tumatawag

"Wala akong paki! Napaka aga pa!" Umupo na ako sa kama habang nakabusangot sino ba 'to?

"Malelate kana"

Umirap ako at tinignan ang caller ID. What the!? Parang nawala ang antok ko at hindi ako makapaniwala kung sino ang tumawag. Agad kong pinatay ang tawag at madaling nag ayos.

Stressed na stressed na ako dahil hindi ako nakatulog kagabi. Saktong pagpikit ko ay ginising ako ni kuya, pinakain ako ng marami. Sila mommy pinag tatalunan kung sino ang nagbigay ng bulaklak.

Tapos tutulog na sana ako kagabi ng tawagan ako parehas nina Leira at Grace. Hindi ko na nga alam kung anong pinag usapan namin dahil ang puro sagot ko ay "Oh" "ha?" "Talaga" "oo" "tss"

Walang kwenta kausap ano?

Tapos dagdag pa yung sa facebook at sticky note! The hell, gusto ko ng tahimik na buhay. Dagdag pa yung day ni Damon nung nag date kami. Grr! Bwisit!

Inis kong binuksan ang shower kahit nakakunot ang noo ko. Nag shampoo at nag sabon na ako pero nananatiling nakakunot ang noo ko. Nahahawa tuloy ako sa kasungitan noon!

Nung nagpalit ako ng damit sinabi ko sa sarili kong maganda kaya napangiti ako. Oh well, so pretty.

"Nak, bumaba kana!"

Kinuha ko na ang cellphone at bag ko saka bumaba. Nagtaka naman ako dahil may dala dala na namang bulaklak si Mama, nako mag aaway na namn sila ni Daddy. Tsk, tsk.

"Mommy, may note sa baba oh" turo ko doon sa mismong hawak niya, aabutin ko na sana yon ng biglang may humila sa akin

"Tara na" sino pa ba? Edi ang kuya kong hilaw!

"Babasahin ko pa yung note eh!" Nakabusangot kong sabi pagkapasok ko sa kotse

"Hayaan mo, kanila yon" pinagmasdan ko lang naman siya na may kinukuha sa likod, "ito sayo."

May binigay siya sa aking chocolate, bubuksan ko na sana ito ng inagaw ni kuya sa akin iyon

"Napaka aga pa." Ilalagay niya na sana sa bag ko yon ng kinuha ko na uyon at ako na ang maglalagay

Pagkabukas ko ng bag, puro chocolate ang laman nito. What the hell!? Pinag aalis ko sa bag 'to at inilagay sa likod. Yung last na chocolate ay may sticky note, amp.

Are

Are??? Ay ewan

"Ang dami niyan ah" manghang sabi ni kuya kahit hindi nakatingin, siya siguro yung naglagay

"Ikaw nag lagay no?" Usisa ko dito

"Hindi kita pag aaksayahan ng pera"

Napanguso na lang ako sa sinabi niya. Napakasama talaga ng ugali ng kuya ko. Buti pa si Ate Leina lagi niyang nililibre, pero ako? Ouch, I'm hurting huhu

Mabilis kaming nakarating sa school habang bitbit ang bag ko sa kaliwang balikat ko. Feeling gangster ako eh, duh? Charot. Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao kaya umirap na lang ako, mind your own businesses.

Sinalubong ako bigla ng dalawa kong kaibigan. Muntik na kaming matumba dahil lahat yata ng bigat nila ay ibinigay nila sa akin. Tinignan ko naman ang dalawang ito na ngiting aso

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now