Kabanata 37

217 9 0
                                    

Kabanata 37

Manliligaw

Nasa kwarto na kami ngayon. Magkakatabi kami ngayon sa kama, sa gitna na ako pumwesto. Para madaganan ko muna sila bago ako mahulog sa kama. Napairap na lang ako sa iniisip ko

Malalim na ang hinga ng dalawa kong katabi habang ako ay nakatingin pa din sa kisame. Umalis muna ako sa kama saka kumuha ng blazer at dumiretso sa study table, napansin ko agad yung dalawang sticky note. Saan ka ba talaga galing?

Sino ang manliligaw ko? Pakiramdam ko ay kilala nilang lahat. posible kayang si Damon? Aish!

Agad na akong tumayo at binuksan ang pinto. Umirap na lang ako habang sinusuklay ang maalon kong buhok. Ang ingay pa nila. Nakarinig din ako ng bukas ng pinto pero hindi ko na pinansin 'yon.

Dumiretso ako ng kusina at nag timpla ng gatas. Kinuha ko ito at pumunta sa garden. Iniwan ko iyon sa round table at umupo sa damuhan.

May iba na kayang gusto ang demonyo na iyon? Bakit hindi ako? Maganda naman ako, laging umiirap, ako si Silvestre, matangkad, mahaba ang pilik-mata at siya lang ang gusto. Chos!

Iinumin ko na sana ang gatas ko ng may magpatong ng tubig doon. Agad akong napatingala at nakita ko si Damon. Magulo ang buhok, mapungay ang mata at hindi nakakunot ang noo. Hindi siguro nakatulog 'to

"Hindi ka pa ba tutulog?"

Ako na ang bumasag sa katahimikan, paano ba naman kasi ang tahimik niya. Hindi ko siya mabasa, magsalamin din kaya ako?

"Kadarating ko lang, pinapaalis mo na agad ako"

Ngumuso ito kaya pinigilan kong pitikin iyon. Bakit naman kita papaalisin!? Kahit dito na tayo matulog

"Hindi naman"

Ito na yata ang pinakaseryosong usapan namin.

Uminom ako ng gatas at tumingin sa kaniya. Agad akong nag iwas ng tingin nang nakita kong nakatingin siya sa akin. Ngumiti ito, enebeyen

"May iniisip ka ba?" Tanong nito

"Oo, yung nagbigay ng sticky notes."

Kahit madilim, napansin ko ang pag ngisi niya. Tss, demonyo.

"Paano kung makita mo siya?"

"Ahm," saglit akong tumigil, ano nga ba ang gagawin ko? "Sasapakin"

Agad itong natawa sa akin at ginulo niya ang buhok niya.

"Ikaw, bakit gising kapa?" Tanong ko dito

"Ang ingay nung dalawa"

Tumango na lang ako at inubos na ang gatas ko. Agad na akong tumayo at niyakap ang sarili ko sa sobrang lamig

"Ano namang ginagawa mo pagkatapos nung shit game?"

Edi iniisip ka!

"Wala naman" nag kibit balikat pa ako

"Akala ko iniisip mo ako"

Inismidan ko lang siya saka na ako tumayo.

"Matulog kana, mauuna na ako" sabi ko sa kaniya at iniwan siya doon

Ano kayang mangyayari kung hindi ko sila nakilala? Lungkot siguro ng buhay ko. Pagdating ko sa kwarto, tulog pa din yung dalawa. Hinubad ko na yung blazer na suot ko saka pumunta sa gitna. Tulugan na!

----

"Goodmorning world!"'

Napamulat na lang ako ng makarinig ako ng matinis na boses. Napasapo na lang ako sa noo ko ng maramdaman kong tumatalbog na ako, aish. Hindi ako nakatulog kagabi sa likot nila!

May humihila sa akin kaya sumigaw na ako, "WAG KAYONG MAGULO!"

Nawala ang tumatalbog at humihila sa akin kaya pumikit ulit ako at matutulog na muli ng may humampas sa noo ko

"Aray!" Hawak hawak ko ang noo ko, biglang nawala ang antok ko at binato ng unan si Grace "Magpatulog kayo!"

"11 na."

Bigla akong napabalikwas sa kama at tumakbo papuntang bathroom.

Geez, gulo gulo ang buhok ko. Kinuha ko yung towel ko na nakasabit at naligo na din. Nag ayos ako ng sarili saka lumabas, wala na sila sa kwarto kaya bumaba na ako habang nagsusuklay

"Woah" bulaslas ko pagkababa ko

Dumiretso kase ako sa kusina. Lahat sila ay abala sa pagluluto habang ako ay nakasandal sa may gilid.

"Senyora, kumain kana"

Umirap na lang ako sa sinabi ni Lance at naupo sa may stool. Kinuha ko yung tinapay at hindi sila pinansin. Nung matapos akong kumain at natawa ako sa mga madudumi na ang mga muka

"Ang dudungis niyo hahaha!"

Napatigil ako sa pagtawa ng may bumato sa akin ng harina sa muka

"Damon!" Sigaw ko sa kaniya

Nakangisi lang ito, lumapit ako doon at pinahid ko sa muka niya yung harina. Ako naman ang nakangisi ngayon, maya maya ay nagkagulo na kami. Lahat kami ay nagpahidan hanggang sa napagod kaming lahat. Nagtatawanan lang kami

"Ang papangit niyo" saad ni Leira pero si Lance lang naman ang tinuturo niya

Nilabas ni Grace ang telepono niya, "Selfie!"

Bahagya akong nagulat  ng may umakbay sa akin. Ngumiti na lang ako hanggang sa nag flash na

Matapos din noon ay nag uwian na din sila. Kauuwi lang din nila mommy, nasa kwarto na ako ngayon. Kavideo call ang dalawa

"Ang saya! Next time uli!" Tawa ng tawa si Leira

Umirap na lang ako, "Hindi niyo nga ako pinatulog"

"Hindi ako noh, si Grace!"

Biglang binitawan ni Grace ang libro yung libro at dinuro duro siya, "Hoy tigilan mo nga ako"

Pinatay ko na yung call at halata namang mag aaway pa sila. Nakabusangot akong bumaba ng makita ko na naman si Mommy na may dala dalang bulaklak

"Nak, galing sa manliligaw mo. Nagpaalam na sa amin"

Tumingin akong nagtataka sa kaniya, manliligaw?

"Sino ma?"

"Secret"

Umismid na lang ako biglang may gumulo sa buhok ko

"Dad naman" umiirap kong sabi

"Dalaga ka na"

Sumimangot lalo ako. Hinila na lang ni papa papuntang kusina. Kakain na. Pagkaupo ko ay tinanong na nila ako ng tinanong

"Gusto mo ba si Foncio?"

"Hindi po"

"Ano ba kayo?"

"Tao po"

"Bakit ang sweet niyo?"

"Hindi naman po eh"

"Paano kung siya ang nanliligaw sayo?"

Bahagya akong natigilan. Umaasa na naman ako

"Hindi ko sasagutin" chos! Secret muna, ayaw nga nila sabihin sa akin eh.

Kumain na lang kami at hindi na nag usap pa. Nasa sala na kami ngayon, kasama ko si kuya. Nasa taas na si Mommy at Daddy, may gagawin pa daw.

"Kilala mo ba yung nanliligaw sa akin?" Tanong ko sa kuya ko na nakatutok ang mata sa pinapanood niyang basketball

"Syempre, dumaan muna sa akin yon"

"Sino?"

"Hindi ko sasabihin"

Napasimangot na lang ako. Aba, paano ko sasagutin yun kung hindi ko kilala? Tsk, sila na lang ang sumagot.

"Curious ka ano?" Napatingin naman ako sa kuya ko na nag c-cellphone na

"Oo"

"Balak mo bang sagutin?"

"Kuya, hindi ko nga kilala eh."

"Makikilala mo din yun." Napairap na lang ako "Kaya kang dalhin sa impyerno noon."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now