Kabanata 5

354 15 12
                                    

Kabanata 5

Loveteam

Para akong zombie na naglalakad dito sa corridor. Hapon na ngayon kaya naman inaantok na naman ako dahil na din sa hindi ako nakatulog kagabi dahil sa lintik na goodnight na 'yan.

 May meeting pa naman sila mamaya, pagpasok ko papikit pikit ako habang pumupunta sa likod. Hindi ko na namalayan pero may nasagi ako.

"Aahhhh!" Irit ko ng matisod ko.

 Malambot? Ah shit. Anak ng putcha naman oh. Aga aga, parang kusang gumalaw ang katawan ko at tumayo ng tuwid. Parang nawala lahat ng antok ko ng makita ko kung kanino ako natumba.

"S-sorry.." sabi ko at dali daling dumiretso.

Phew! Naka upo na din ako. Shete naman oh.

"Ang ganda naman.."

Nabigla ako ng may magsalita sa gilid ko, napasapo na lang ako sa noo ng marealize ko na nakita pa nila iyon.

"Don't worry Chels. Hindi ko navideohan." Sabi ni Grace.

Napanatag naman ang loob ko at sumandal sa upuan. Buti naman hindi navideohan.

"Mabuti na-"

"Picture lang." Sabi ni Leira na nakangisi na ngayon.

 Sabay silang tumawa ng nakakaloko. Pakshet naman oh. Aagawin ko na sana ang cellphone niya pero itinago niya na yon. Titignan ko nga sa gc mamaya yon.

Bigla naman pumasok ang prof namin kaya agad kaming bumati roon.

"May I excuse the officers? Proceed to the Meeting room." Nag tayuan naman yung mga officers at lumabas doon.

Pagkatapos noon ay nagturo na uli siya. Nag lecture at quiz lang kami, buti nakapasa ako. Maya maya lamang ay pumasok na yung president namin kasama yung ibang officer, lumabas narin kasi yung prof namin.

"May pageant tayong gaganapin this next week. We need representative in every sections. Sino gusto niyo? Vote wisely."

"I nominate Chelsea!" Agad kong tinakpan ang bibig ni Leira sa isinigaw niya.

"No!" Agad na sigaw ko pero umiling lang sa akin si Mika, president.

Agad akong hinila ni Grace papunta sa unahan kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nung aambahan ko na siya ng suntok ay agad itong umiwas at agad lumayo. Nagawa pa akong kindatan, anak ng..

No way! Hindi nga ako sumasali sa ganiyan! Agad isinulat ang pangalan ko sa board kaya naman wala akong nagawa. Nginisihan lamang ako ng nakakaloko nito kaya napairap na lang ako.

"I nominate Maira!"

At ayon, nagbotohan na sila. Mas madaming bumuto sa akin kaya naman halos mapasigaw ako sa inis pero yung dalawa, nagdiriwang na sila sa gilid ko.

"Okay. Chelsea Silvestre will be our representitive for girl"

Biglang nagsigawan ang mga kaklase ko kaya naman kinabahan ako. Hindi ko alam kung anong meron meron sa pageant na 'yan, makikipag suntukan pwede pa!

"Mananalo na tayo nyan."

"Oo nga."

"Silvestre na yan."

"Boys?" Tanong agad ni Reina, Vice president.

"I nominate Damon!" Halos nabingi ako sa sinigaw ni Grace.

D-damon!? Shit. Pinagtutulungan ba ako ng dalawang ito!? Nag apir pa sa unahan ko si Leira at Grace habang ako ay halos mabingi na sigawan dito sa loob ng classroom namin.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon