Kabanata 38

227 9 0
                                    

Kabanata 38

Stay still, my love.

"Kaya kang dalhin sa impyerno nun"

Yan lang naman ang tumatak sa isipan ko kaya hindi ako nakatulog ng ayos. Palaisipan pa din sa akin yang manliligaw na yan! Uupakan ko talaga siya pag nakilala ko siya

Pagpasok ko sa room, wala pa silang tatlo doon. Nyare doon? Nakita kong may bulaklak at chocolates. Meron ding sticky notes, binaba ko muna ang bag ko saka ko binasa yon.

You'll know me, soon.

Kukuhanin ko nasa yung chocolate ng marinig ko ang mga boses ng kaibigan ko

"Wow,  chocolate!"

Napairap na lang ako ng hinablot ni Leira yon, ihampas ko sa kaniya yan eh.

"Hindi na siya cheap" tango tangong sabi ni Grace

"Dont tell me kilala niyo siya?"

Sabay silang tumango at ngumisi.

Napasapo na lang ako sa noo ko saka padabog na umupo. Agad kong natanaw si Damon na nakangisi, ay? Hindi nga si Damon ang nanliligaw sa akin. Bigla akong nanlumo dahil doon, akala ko pa naman siya na.

Hindi pa pala, sino kaya yun?

Si Prof Ginger ang dumating. Nakangisi din ito pagpasok, hays. Mga abnormal talaga mga tao dito.

"Maam gusto mong luya?" Tanong ko kay Maam Ginger na nagsusulat sa board

Narinig ko itong tumawa saka ako hinarap, "Maraming luya sa amin"

Umirap na lang ako saka kinopya yung mga nasa board. Reviewer namin dahil malapit na ang exam, hindi na pwede ang pa chill chill. Ayokong bumagsak ano

Sobrang dami naming sinulat, isa lang ang subject namin ngayon. Si Maam Ginger lang, dahil lahat ng isinulat namin ay lahat ng reviewer. Meron kasing meeting lahat ng mga teacher kaya half day lang kami.

Monday na monday pero ang saya saya!

"Huy," napatingin ako kay Leira na kinalabit ako "mall tayo mamaya"

Tumango lang ako. Tinanong niya din si Grace at Damon pero tumango lang ang mga ito. Nung matapos naming isulat lahat ay tumayo na si Maam Ginger

"Class dismiss. Don't forget to review all your reviewers."

Yan lang ang sinabi niya kaya nag ingay na ulit sa room namin. May mga sari-sariling mundo na sila kaya naman kinuha ko na yung chocolate at kinain. Napatigil pa ako dahil silang tatlo ay nakangiti sa akin.

"What?"

Umiling lang sila ay nagtuloy sa kwentuhan.

"Chels!" Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Raphael

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ni Marco," tumingin ito kay Damon "Pareng Damon, pahiram ako" tumango lang siya

Anong pahiram? Siraulo ba 'to? Bakit naman nagpapaalam pa siya doon!?

"Selos na yan"

"Pahiram daw oh"

Magsasalita pa sana ako ng bigla na akong hinila ni Raphael

"Grabe, Raph ha?"

"Haha! Sorry, tawag ka ni Marco"

Pagkalabas namin ng pintuan lumabas si Marco na kasama si Lexi

"Tara mall" yaya nito

"Pupunta din kami, sumabay na lang kayo" sabi ko, "Ikaw Raphael?"

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now