Kabanata 36

236 9 0
                                    

Kabanata 36

Overnight

"Gaga, magagalit yong mga iyon sayo" sabi ni Grace habang tumatawa tawa pa din

Nakaupo ako sa kama, si Grace naman ay nakadekwatro sa maliit na couch at Leira naman ay nakaupo sa tapat ng study table ko. Tawa lang kami ng tawa pagkapasok namin, ano bang akala nilang magiging reaksyon ko?

Naging OA lang ako kanina.

Pero ulam!

"Baba na tayo" anyaya ko sa kanila, sabay sabay kaming tumayo kaya napatawa kami

Sumilip muna kami sa hagdan ng marinig namin ang usapan nila

"Payatot ba tayo?" Tanong ni Lance

"Hindi!" Angal ni Kuya

"Natulala nga eh" sabi ni Damon na hawak hawak pa ang tyan niya

Hmp, mayabang!

"Oh nandyan na pala kayo, tara laro!" Tinap pa ni kuya yung sahig kung saan sila nakaupo

Sumunod naman kami doon, natatawa pa ako sa pwesto namin dahil dikit dikit kami nina Leira

"Pwede bang magbihis muna kayo?" Pumikit ako ng mariin, makasalanan na ang mata ko! My virgin eyes, huhu.

"Bakit naman?" Narinig ko ang tanong ni Damon pero nakapikit pa din ako

May kumalabit sa akin

"Hoy ayos na" sabi ni Leira kaya naman nagmulat ako

Tumambad sa akin ang shit, yung abs ni Damon! Napatitig ako doon, wala na. Wala na, hindi na virgin ang mata ko!

"WAHHHHHHHH" tili ko ng hindi pa din siya umaalis doon

Nakarinig ako ng tawanan, pati siya ay tinatawanan ako.

"Titig pa more!"

"Tulaley ang lola niyo!"

Umirap na lang ako lumayo kay Damon, nakangisi lang sa akin ito. Kurimaw!

"Oh, ano ng laro?"

Napatingin naman ako sa boys at nagpapasalamat ako na nakadamit na sila. Akala mo walang tela sa pilipinas, duh!

"Spin the bottle. Puro truth"Sabi ni kuya at ipinahiga sa sahig yung bote ng coke

Ako ang nag ikot noon at tumama iyon kay Damon. Ako ang magtatanong

"May nililigawan ka na ba?" Mabilis kong sagot

Nag cross finger ako sa baba kahit naka indian sit ako, wag kang mag oo!

"Meron"

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko. Wala na, hindi na ako maghahabol!

Inikot naman niya iyon at tumapat kay kuya

"Napatol ka ba sa bata?"

Natawa kaming lahat sa tanong ni Damon kay kuya, paanong bata ba? Grade 1, or grade 2? Chos! Nag iinit na ang ulo ni kuya ng tumingin sa akin kaya naman tumigil ako

"Depende"

Napahagalpak na ako ng tawa sa sagot niya, "Paanong bata ba?" Tanong ko

"Wala na" sumimangot na lang ako at nag crossed arms. Si kuya naman ang nag ikot at tumapat ito kay Grace

"Kailan ka ba magkakaboyfriend?" Balak niya bang jowain?

True! Kahit ako nag aabang ako, nbsb ang lola niyo!

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now