Kabanata 9

259 12 2
                                    

Kabanata 9

Arcade

Matapos ng nangyari kahapon ay umuwi na din kami. Nakakapagod yun, saktong pag uwi namin sa bahay ay nagulat pa ako sa naabutab namin. Ang daming handa at tuwang tuwa sina mommy. Kaya heto, late na ako nagising.

Agad akong naligo at nag ayos. Mag s-solo flight ako ngayon. Gusto ko munang mag relax, nag suot lang ako ng black na denim short at white blouse shirt, nagrelo na din ako at nagpulbos dala dala ang bodybag ko. Kung tinatanong niyo kung bakit lagi akong nakasuot ng denim shorts ay dahil wala lang.

"Saan lakad mo?" Agad na tanong ni kuya pagkababa ko.

"Sa mall.."

"Sinong kasama mo?"

"Sarili ko."

Magsasalita pa sana siya pero dumiretso na ako kina mommy at nagpaalam.

"Congrats ulit nak!" Sabi ni mommy

"Salamat ma." sabi ko at umalis na doon at naabutan ko si kuya na nasa pinto

"Saang mall?" Tanong nito na nakaharang pa din sa pinto

"Ayoko nga.."

"Isa." Naging seryoso naman siya kaya naman sinabi ko na lang kung saan ako pupunta at ngumiti pa ito sa akin. Umiling na lang ako sa kaniya saka niya ako pinadaan.

Kadarating ko lang dito sa mall at nagpaalam kay manong na mamaya na ako magpapasundo. Hindi ko talaga akalain na mananalo ako kahapon eh wala naman akong ginawang maganda kahapon doon, lol.

Nag ikot ikot muna ako saka pumunta doon sa bench na nasa gilid ng Forever 21. Pag kaupo ko doon ay binuksan ko ang cellphone ko at naabutang tumatawag si Leira.

[Hoy!]

Agad kong inilayo ang tenga ko speaker ng cellphone ko sa lakas ng boses ni Leira.

"Bakit?" Tanong ko at tumingin tingin sa gilid

[Ikaw, hindi ka nagyayaya!]

Alam niya? Nako, sinabi siguro ni kuya!

"Sino may sabi? Tss."

[Si manong! Nakita ko kase yung kotse niyo kaya kumatok ako doon kanina, sabi niya ikaw daw yung umalis. So saan ka galing?]

"Mag papahangin lang ako"

[Pahangin!? Mahangin din naman di--]

"Oo na, bye" agad ko ng pinatay ang phone ko at binalik ito sa bag ko.

"Look who's here." Napaangat ako ng tingin, at sino pa ba nga ba?

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Kasama niya si Damon at nakahawak naman si Damon sa bewang ni Lexi. Duh.

"Hi Couples." Sabi ko ng nakangiti.

Magsasalita pa lang sana siya ng may tumawag sa akin kaya naman nag excuse ako sa kanila.

[Hoy!]

"So loud." Reklamo ko sa kaniya, Kay Grace.

[Where are you?]

"Here at the mall"

[Tek--" I ended the call again.

Agad na akong umalis doon kahit alam kong tinatawag ako nila Lexi, psh. pumunta ako sa Jollibee at nag order. Buti na lang may upuan doon sa dulo kaya dali dali akong umupo doon at nilapag ang inorder ko kaunti nga lang 'to e. Spaghetti with 1pc chicken.

"Hey, can I sit here?" Agad akong napa angat ng tingin ng may lalaking nakatayo sa harapan ko, may dala ding order

"Ahm?" Tumingin ako sa mga pwesto rito at occupied na lahat "sige.."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now