Kabanata 25

231 8 3
                                    

Kabanata 25

Pinsan

Papasok na naman ako bukas. Letse, umaga na ngayon kaya nakaligo at naka ayos na ako. Gusto kong magpahangin, masyadong madaming gumugulo sa isipan ko.

Umupo muna ako sa kama saka tinignan kung anong oras na. Mamaya na siguro ako aalis, masyado pang maaga.

Hindi dapat ako nagagalit o nagseselos kay Lexi. Hindi ko pa nga pala nakakausap ang isang 'yon. Kakausapin ko na lang siya bukas, aagahan ko na din ang pasok ko. Mag c-commute na lang ako psh.

Ilang minuto lang ay lumabas na din ako. Gulat na naman ang istura nila mommy sa akin, ang aga ko ba naman. 10 am ako lagi nagiging pero 7 am palang ngayon.

"Mom, aalis po ako." Pagpapaalam ko sa kaniya

Nauna na siguro si Daddy, may pasok kasi siya ngayon.

"Sino namang kasama mo?" Sabat ni Kuya

"Ako lang"

"Ayaw mo ba ng kasama?"

"Ayoko"

"Alright, mag iingat ka." I waved back to Mommy.

Pagkalabas ko agad kong ini-off ang cellphone ko. Nag abang ako ng taxi sa labas. Sinwerte naman ako dahil pagkalabas ko ay may dumating na taxi. Sumakay agad ako doon at sinabing sa park lang. Actually,malapit lang ang park sa labas ng subdivision.

Nag suot ako ng earphone at tumingin sa labas. Ano bang ieexpect ko? Puro bahay dito.

Nag abot ng lang ako ng pera at bumaba na din ako pagkarating doon. Nagpasalamat na din ako at sinimulang maglakad.

Pagtapak ko sa park ay nakita ko ang mga batang masayang naglalaro. Ni minsan hindi ko naranasang maglaro, dahil puro pakikipag away ang inaatupag ko.
Naupo ako sa swing. Ngayon lang uli ako pumunta rito

Nag iswing na ako dito na parang bata. Maya maya ay tumigil ako dahil baka matamaan ko ang batang sa tingin ko ay palapit sa akin.

"Ate, may nagpapabigay po." Ang sarap kurutin, ang cute cute! Lalaki ito at may dala dalang isang pares na rosas.

"Kanino naman ito galing?" Sabi ko doon sa bata, hawak hawak ko ang rosas na bigay sa akin nito.

"Doon po" itinuro nito sa akin doon sa may bandang puno

"Wala namang tao eh" ginulo ko ang buhok nung batang lalaki

"Ate, bakit naman po ginugulo mo?" Nakanguso niyang tanong

"Anong pangalan mo?"

"Aldus po."

"Ako si Ate Chelsea."

Tumango lang ito at bumalik sa pakikipaglaro. Sino ba ang nag bigay nito? Tinignan ko ang muli ang puno, dala dala ko ang rosas na binigay sa akin ng batang si Aldus ay may naabutan akong lalaking naka hood, nakatungo ito.

Hindi ko na lamang siya pinansin at umupo sa may puno at sumandal doon. Muli kong sinulyapan ang lalaking nakatungo, sino ba 'to?

Mas nagulat ako ng lumingon ito sa akin at sumilay ang ngiti sa labi nito.

"R-raphael?" Gulat kong tanong dito

Ibinaba nito ang hood niya at tumingin sa akin at tumango.

"I-ikaw ba yung nag--"

"Ako nga." Mabilis niyang sagot

Ngumiti lang ako sa kaniya at tumingin sa mga batang naglalaro. Kumaway naman sa akin si Aldus na tumigil sa paglalaro kaya kumaway din ako at ngumiti.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon