Kabanata 15

274 12 2
                                    

Kabanata 15

Deal

Agad akong nakahinga ng maluwag pagkababa ni Leira. Anong iscore ba yun? Letche ha. Namiss ko tuloy si ate Leina, pagkatapos kase nung pageant na iyon ay umalis na rin siya. Pinaulanan pa ako ng halik sa pisngi bago siya nagpaalam sa akin noon.

Saka may ichichismis ako sa inyo, Ex siya dati ni Kuya Gio. First girlfriend niya yun ha, tapos ngayon nawala na. Busy kase si Ate Leina sa pagiging fashion designer eh itong si kuya Gio bulok, hindi sinuportahan. Attorney si kuya Gio pero hindi man lang nagawang ipaglaban ang pagmamahalan nila?

Iw, corny!

"Problema mo!?" Agad na sigaw ko nung may pumitik sa noo ko.

Bakit sino bang sisisihin ko? Wala namang iba kundi ang demonyong ito.

"You're spacing out. I'm talking to you.." sabi niya.

"Nyenyenye." Sagot ko.

"Isip bata.." bulong niya pero hindi nakalampas sa akin iyon.

"Two timer." madiing sabi ko.

"Nagpagamit ka naman.."

"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Chill." Sabi niya kaya hindi ko na siya pinansin.

Nung malapit na kaming pumasok sa subdivision ay tumigil ito sa gilid. Napatingin tuloy ako sa kaniya, don't tell me papalakarin ako nito? Isusumbong ko siya kay kuya!

"Let's have a deal." Sabi niya habang nakatingin sa manibela

"A shit." I corrected him.

"Come on, I'm serious." I gulped when he stared seriously at me.

"Okay okay."

"First. No suitors"

"What!?" Sigaw ko.

"Shut up. No suitors allowed, it's all about me and you." Hindi ko alam pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Second, no girls allowed." Nakangisi kong sabi sa kaniya pero ngumiti lang ito.

"Sure. Ikaw lang naman ang babae ko." lord, paangat po ako baka malunod hehe. "Third, no string attached. Let's end this shit if someone will fall. I'm not a savior to catch you if you fall."

Napaismid na lang ako sa sinabi niya. Duh? Ako mahuhulog, mas mauuna siya. Remember my word foncio, you will fall in my own trap.

"Let's see." Pang hahamon ko

"Last but not the least, I'll call you love." Aangal na sana ako ng magsalita ito "Wether you like it or not."

"Why would I call you like that, Huh? You have a girlfriend." Pagtatama ko sa kaniya, duh? Hindi bagay sa akin maging kabit.

"I broke up with her." Iling iling na sabi nito saka tumingin ulit sa akin. "Damon Foncio is now yours."

Pagkatapos ng deal namin na iyon ay inihatid niya na ako sa bahay kaya dali dali akong tumakbo papunta sa kwarto habang hawak hawak ang dibdib ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinukpok ba ito ng martilyo?

From: Demonyo

And Chelsea Silvestre is now mine.

Napapikit ako ng mariin at binato ang cellphone ko sa may kama.

'Third, no string attached'

Napailing iling na lang ako sa sarili ko. So Lexi and Damon are now exes? Pfft, poor Lexi. I know you won't won against me. Lately kase umiiwas sa akin si Lexi so what the hell happened?

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now