Kabanata 31

242 9 0
                                    

Kabanata 31

Sticky notes

"Kaya nga ako lumayo sayo eh. Dahil gusto niya siya lang."

Para na naman akong zombie na naglalakad pabalik sa room dahil sa sinabi ni Coco. Ayaw niyang sabihin sa akin kung sino ba ang nag sabi noon, sino nga ba? Anong ginawa niya at napalayo niya si coco sa akin?

Tangina, sasabog na yata ang utak ko.

"Chels!"

Napatalon na lang ako sa gulat habang hawak ang dibdib ko ng may kumalabit sa akin. Agad ko siyang hinampas sa gulat

"Bakit ka naman nang gugulat, Dylan!?" Inis na sabi ko sa kaniya

May inabot siya sa aking isang piraso ng rosas, "May nagpapabigay, pumasok kana."

Kinuha ko ang rosas na iyon at nung aamuyin ko na sana ay may note na nakalagay doon.

Hey.

Umirap na lang ako saka pumasok sa room.  Agad akong napairap ng una kong nakita ang pagmumukang demonyo niya. Tinignan niya ang hawak ko  o namamalikmata lang ako dahil ngumisi siya. Whatever! Saktong pag kaupo ko ay binato na naman ako ng napakadaming tanong ng dalawang ito

"Kanino galing yan?"

"Hey?"

"Kuripot naman ng nagbigay niyan"

"Sino kaya nag bigay?"

"Sino nag abot?"

"Ugh, shut up. Si Dylan nag abot niyan, pinapabigay daw" iritang sabi ko

Napa 'oh' na lang sila pareho sa sinabi ko dahil dumating na din ang prof namin. Kanino kaya galing yung rosas? Na good mood tuloy ako at sumagot sa mga tanong ni Prof kanina.

"Punta lang akong restroom." Paalam ko sa kanila dahil mamaya pa ang sunod na prof

Iniwan ko ang rosas doon sa bag ko, hindi kaya mabulok doon? Lol.

Pagkapasok ko sa restroom ay nag ayos ako ng sarili ko. Pag labas ko sa cubicle ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko

"What are you doing here?" Tanong ni Erika

"Bakit? May nakalagay ba sa pinto na 'Erika's property?" Tinaasan ko siya ng kilay

"Wala, but I want you out--"

"Shut up. Masyadong bulok" sabi ko at binangga siya sa balikat niya bago umalis

Tuwing naaalala ko na siya yung hampas lupang leader na 'yon ay naiirita ako. Like hello!? Akala mo ang ganda ganda, muka namang stick. Papasok na sana ako ng room ng biglang humarang si Raphael sa pintuan

"What?" Masungit kong tanong

Bigla siyang lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko. What the hell? Ngumisi lang siya sa akin at pinadaan ako. Inirapan ko na lang siya at ginulo ang buhok ko, baka may inilagay ang kurimaw na iyon

"May nakalagay ba sa buhok ko?" Tanong ko kay Grace na nakatingin sa akin

"Wala"

Tumango lang ako at iniisip kung para saan ba ang letseng pag hawak niya sa buhok ko.

Hindi ko na din inintindi dahil dumating na din ang prof namin na agad kaming tinambakan ng mga gawain na ipinagpapasalamat ko dahil magiging busy ako.

"Class dismiss."

Nag goodbye lang kami sa kaniya at hinihintay namin ang susunod na prof

"Tumawag si daddy" panimula ni Leira

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now