Kabanata 28

221 7 0
                                    

Kabanata 28

Bestfriend

Kakatapos lang ng klase namin pero nagawa ko sila lahat na hindi pansinin. I texted Marco a while ago to fetch me after class. Pumayag naman siya. Kailangan ko lang siyang kausapin, ni hindi ko na nga natanong kina daddy yung sasabihin niya sa akin na hindi natuloy dahil umeksena si kuya.

Patapos na ang klase namin pero sobrang bagal ng oras.  Papansinin ko na ang dalawang ito dahil kanina pa nag aalinlangan kung kakausapin ako o hindi

"Chelsea?" Napatingin na lang ako kay Leira na kinalabit ako

"Oh?"

"May problema ka ba?"

"Wala"

Natahimik na din siya, mabuti naman. Pagkatapos ng klase namin ay umalis na sina Leira,nagtatampo panigurado yon. Patayo na sana ako ng mabilis lumapit si Damon sa akin. Ngayon ko lang uli nakita ang muka niya ng malapitan, may pasa din ang gago. Magpasalamat kaya ako dito?

"Mag usap tayo."

Ayan na naman sa usap usap, sawang sawa na ako.

"Let's just talk tomorrow" sabi ko dito at bahagya siyang tinulak para makatayo ako

"Ihatid na kita" pag aalok nito

"No thanks, Marco will fetch me." Bigla namang nagbago ang awra niya kaya mas lalo akong natawa "What's with that face? Sasabihin mo na namang malandi ako?"

Bahagya siyang natigilan. Umiiling iling akong lumabas doon at saktong pag dating ni Marco. Doon na lang siguro kami sa cafe malapit sa University

Pagkadating namin doon ay umorder muna kami at umupo kami parehas.

"Explain" sabi ko saka sumimsim ng kape

"Thanks for the punch." Natatawa nitong sabi kaya ikinumpay ko ang kamay ko para sabihing ipagpatuloy niya ang sinasabi niya "Look, nakipag break talaga ako kay Erika dahil nakakasawa siya."

"Bakit ako ang sinabing dahilan?"

"I said it. Alam kong titigilan niya ako pag nalaman niyang ikaw."

"Yeah, sinabi pa nga sa akin e" I rolled my eyes.

"Erika have a bitchy attitude." Tumango lang ako sa sinabi niya dahil totoo naman, pinadetention ba naman ako. "Nagulat na nga lang ako ng bigla mo akong sinuntok" naiiling na sabi nito

"Sorry for that. I asked her who, then I'll give the guy a punch. And it's you." Paliwanag ko

"Pinatulog pa nga ako ni Dylan" nakita ko ang pagkainis niya

"Yeah, sinabi nga niya."

"Are you in a serious relationship?"

Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape sa gulat ko sa kaniya. Muka ba kaming mag jowa ng demonyo na yon? Duh.

"I don't think so." Kibit balikat kong sagot

"Then who is Damon to you?"

"Annoying guy." Totoo naman, dahil nga sa bodyguard ko siya na sunod ng sunod sa akin ay napakayabang.

'Do you want to get my number, too?'

Nyenyenye.

"Are we bestfriend?"

"Yes"

"Since grade 3." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi siya. Natulala na lang ako sa kaniya. Don't tell me..

"Nilayo ka sa akin ng kuya mo, remember? Hindi mo alam ang apelyido ko eh" bahagya pa siyang natawa

"Hoy bata, bakit ka umiiyak?"

Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko alam kung sino ang kumakausap sa akin. Grade 3 na ako pero si kuya pa din ang kaibigan ko hays

"Bata, ang pangit mo."

Bigla akong napatayo at pinanlakihan siya ng mata. Itinupi ko ang manggas ng blouse ko at matapang na tinignan siya "suntukan tayo ano? Sinong pangit!?"

"Easy, hindi ka naman mabiro. Ang ganda mo kaya" bigla akong napangiti sa sinabi niya

"Anong pangalan mo? We can be friends!" Tuwang sabi ko sa lalaking nakakunot ng noo

"Sabi ng kuya mo ay bawal kang makipag kaibigan" nakita ko ang pag aalinlangan, nag iinit na naman ang sulok ng dalawang mata ko

"Edi wag!" Lalayo na sana ako doon ng bigla nitong hawakan ang braso ko.

"Oo na, friends na tayo. Wag ka ngang umiyak" nabigla ako ng bigla niyang punasan ang luha ko. "I'm Marco."

"Chelsea Silvestre, how about your surname?'

"You dont need to know"

"Friends na tayo ha!" Tuwang tuwa akong umalis doon. Kahit ang araw na iyon ay ang pagsisinungaling ko kay kuya David.

Hindi niya alam na may kaibigan na akong lalaki. Lagi kaming magkasama noon ni Marco ng hindi nalalaman ni kuya.

"Hoy" sinamaan ko agad siya ng tingin

"Napakulit mo, sabi ng hindi ako si Hoy!" Bulway ko dito, tinawanan lang naman niya ako

"From now on, I'll call you names. But I more like if i give you a nickname. Silver!"

"That's cute. I'll call you coco!"

Simula noon ay nag kamabutihan kami. Crush ko na nga siya eh, napakabait, laging nakangiti, inaalagaan ako. Pero hindi alam ni kuya David iyon. Bakit ba kasi ayaw niyang magkaroon ako ng kuya ko ng kaibigan dahil siya ay super protective!?

"Chels, sinong kasama mo?"

"Ha? W-wala kuya."

"Kapag nalaman ko na may kaibigan kang lalaki ay ilalayo talaga kita."

Napanguso na lang ako sa kuya ko na nakapamulsang tumataas ng hagdan.

Kinabukasan sa school, naabutan ko si Marco na parang naghihintay. Nakangiti akong pumasok doon, nung napansin niya ako ay ngumiti din siya

"Bakit ba ayaw mong malaman ko ang surname mo?" Nakanguso kong sagot

Sinamaan ko siya ng tingin ng pitikin niya ang nguso ko. Itinikom ko tuloy ito

"Malalaman mo din yan pag malaki na tayo."

Napapadyak na lang ako, "malaki na naman tayo ah"

Umiling lang ito saka ginulo ang buhok ko. Tinampal ko naman ang kamay nito "Soon."

"Hoy bata." Napatingin naman ako dito. " paparating na kuya mo. Bro!" Nanlaki ang mata ko ng dumating si kuya na nakapamulsa, inakbayan naman niya ang lalaking tumawag sa akin. Napasungit tignan nung kasama ni kuya, nakakunot pa ang noo."

"Sabi na nga ba, may kaibigan kang lalaki." Halos hindi ako makagalaw ng marinig ko ang boses ni kuya. Bigla na lang kinaladkad nung masungit na yon si Coco!

Tumakbo ako para habulin sana si Coco

"Chels!" Sigaw niya habang hinahabol ako

"Ano ba!?" Sigaw ko din sa kaniya

"Sino si Marco!? Sinasabi ko sayo, sasabihin ko yan kina daddy!"

"Kuya, kaibigan ko yon" singhal ko

"Kahit na. Gusto ko ang mga kaibigan mo babae." Sabi niya sa akin

Pagkatapos noon ay nawalan na ako ng connection kay coco.

"Kung may maibabalik man ako, yun ay yung kasama ko pa ang babaeng kilalang kilala ako. Hindi na kami nagpansinan noong nalaman ng kuya niya na kaibigan niya ako.talagang ipinaglayo kami, pero ngayon alam kong nakita ko na siya."

"You look familliar"

Nabigla ako ng biglang may yumakap sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Coco.."

"Silver."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now