Kabanata 14

254 11 2
                                    

Kabanata 14

Kiss

It's saturday! Panibagong kagaguhan na naman. Inayos ko muna ang laptop ko at inayos ang pagmumuka ko. 8:30 na, nakarinig ako ng busina sa labas kaya sumilip ako. Kaninong sasakyan 'yon?

"Chelsea, may naghihintay sayo sa labas.." sabi ni Mommy pagkababa ko.

Umalis din pala si kuya, hays. Badtrip pa rin ba siya? Tagal naman! Nagpaalam na ako sa kanila sa kinatok ang bintana nung sasakyan.

Halos mabuga ko yung kape ng makita ko si Damon.

"Ay Demonyo!"agad kong sabi sa gulat.

"Is that your way of saying hi or goodmorning?" Tanong niya.

Inirapan ko na lang siya at dere deretsong pumasok sa bago niyang sasakyan. Wow, papalit palit. Yaman ha, minsan naiinggit ako sa kaniya kase pinapayagan siya mag drive, psh.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Gusto mo ba akong kainin?" Mapang asar kong tanong, wala gusto ko lang itanong.

Muntik na akong mapasubsob ng bigla itong pumreno.

"Siraulo ka ba!?" Buti ubos na ang kape ko!

"Gusto mo bang kainin kita?" Tanong niya habang nakangiti.

"Just drive, shut your mouth Foncio." Iritang sabi ko.

Parang gusto ko ng tubig at sasadyain kong ibuga sa kaniya iyon. 9:10 na kami nakarating kina Grace na nag aabang sa harap ng gate habang nakapamewang.

"Aga naman ng landian." Sabi ni Leira.

"Hindi naman.." sabi ko at dere-deretsong pumasok sa bahay nila.

"Feel at home ha!" Rinig kong sigaw ni Grace kaya natawa na lang ako.

"Hi Tita Gina!" Masayang bati ko nung makita ko siya, ang ganda pa din niya pero mas maganda ang mommy ko.

"Kumusta, Hija?" Tanong nito at sinenyasan ako na umupo sa katapat niyang upuan.

"Maayos naman po." Sagot ko habang nakangiti pa din.

Nakakagood vibes kaya si Tita Gina. Lagi siyang nakangiti kaya naman siguro nahulog sa kaniya si Tito Clark na ubod ng sungit dati noong high school nila.
Sana all diba?

"Tita, kuhanin ko na po 'to.." hindi na ako nagpumiglas ng bigla akong hinila patayo ni Leira paalis doon

Naandito kami ngayon sa garden nila, nakalabas na lahat ng gamit nila at pati akin ay naroon na. Buti nga inalis ko pa ang wallpaper noon at pinalitan ko ng plain black. Pagmumuka ko kase ang naka display doon. Agad na akong umupo doon katabi ni Grace, bale magkatapat kami ni Damon.

"Wait, may kukuhanin lang ako.." paalam ni Grace.

"Sama ako!" Sabi ni Leira.

Pipigilan ko pa sana siya na wag ako iwan pero kumaripas ito ng takbo. Shit naman, nakakailang.

"So," agad naman akong napatingin sa kaniya. Itinukod niya ang kamay niya sa lamesa saka pinakatitigan ako. "Hindi mo ba ako kakausapin?"

Umirap na lang ako sa kaniya at binelatan siya.

"Isa." Seryosong sabi niya.

"Dalawa." pang aasar ko.

"Tatlo. Pag umabot ako ng lima, hindi mo magugustuhan."

"Apat." sabi ko saka umirap.

Ulol. Sinong takot sa kaniya? Ako matatakot!? Agad tumaas ang kilay ko dahil bahagya itong lumapit sa akin. Syempre umatras ako, no way.

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now