Kabanata 23

226 7 1
                                    

Kabanata 23

Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kwarto habanng inaalala ang sinabi sa akin ni Damon.

"Love, please stay."

Napatili na lang ako, panigurado kong namumula na naman ako. Agad kong binuksan ang cellphone ko at binuksan ang messenger ko.

Tinignan ko ang gc namin at nag uusap sila.

Leira: nakita mo yung post ni Damon sa insta?

Chelsea: anong meron?

Grace: Check mo, Chels.

Leira: Bati na kayo?

Sineen ko muna sila at tinignan ko yung post ni Damon. Shit, parang sasabog ang puso ko. Ito yung nasa korean restaurant kami, hindi ko alam kung maiinis ba ako o matutuwa dahil yung kuha ko dito ay nanguya ako habang nakatingin sa kaniya. Ang gulo pa ng buhok ko

Pero ang mas lalong nagpakabog ng dibdib ko ay ang caption niya.

Itsmedamon: Happiness

Bumalik ako sa gc namin

Chelsea: ang pangit ko doon.

Leira: baka kinikilig ka na ha

Grace: true, hindi pa naman natin nakikita yan

Chelsea: bakit naman ako kikiligin doon? Simpleng picture lang 'yon.

Pinatay ko na ang cellphone ko at nagpagulong gulong na naman sa kama. Shit, nakakakilig. Bwisit na demonyo, ang galing galing. Agad akong tumayo at binuksan ang closet ko.

Kinuha ko yung white dress ko na above the knees. Hmp, anong wag maiksi. Duh? Hindi ko naman siya tatay. Ilulugay ko na lang siguro ang buhok ko bukas, excited na tuloy ako matulog!

Nag gayat ako ng pipino at nilagay ko ito sa mata ko. Ipinikit ko ang mata ko, it's beauty sleep na!

----

Nakangiti akong gumising at tinignan ang white dress ko. I'm born ready! Charot.

Nakangiti akong pumasok sa bathroom at lumubog sa bathtub. Nagbabasa ako ng libro ng biglang mag ring ang cellphone ko. Ibinaba ko muna ang libro ko saka pinindot iyon, nakaloud speaker pa

[Love?]

Agad akong napangiti, muka siyang bagong gising.

"Yes love?" Sagot ko habang nag s-shampoo

[Goodmorning] I heard him yawned so I laughed

"Still sleepy love?"

[Hm, yep. A bit, where are you?]

"Here at the bathtub."

Nakarinig ako ng pagkalaglag, I bet cellphone niya yon.

[Maligo ka na, I'll you later again.]

He ended the phone call. I giggled, pfft.

Pagkatapos kong maligo ay isinuot ko na ang white dress ko. Nablower ko na ang buhok ko, nagpatong ako ng light make up. At nag heels na 1 inch lang, kakain lang naman. Nilugay ko na din ang wavy hair ko, damn ang ganda ganda ko.

Pagkababa ko ay gulat na gulat sina mommy sa akin

"Saan punta mo?" Bungad ni kuya na pinasadahan ako ng tingin

"Secret"

"Ang aga mo yata, nak." Inangat ni Daddy ang tingin niya sa akin at ibinaba ang dyaryo niya "Ang ganda mo, nak."

Stay still, My love. (chasing series #1) ✅Where stories live. Discover now