01

1.4K 161 28
                                    




Dinidisiplina din ako ng Mama ko at ng mga tao sa paligid ko pero never in my life may nag paramdam sa'kin na basura ako, This is the fucking first time!

Kanina ko pa pinipigilan 'yong sarili kong magwala dito sa comfort room, amoy na amoy parin sa damit ko 'yong punyetang toyo ng hudas na 'yon.

Hindi ako pala-mura pero putangina mo Clyde, humanda ka sa'kin.

Hindi ito isang love story sa pelikula na maiinlove ang isang binubully sa isang bully. Ano ka hello?

Mabuti nalang at may dala akong extra pair of clothes, dahil kung hindi magkaklase akong amoy adobo. I wore a white T-shirt, maong pants and my sneakers. Bahala na.

At pagkaminamalas ka nga naman, napuruhan pa ang white jeans ko at mukhang hindi na matatanggal ang mantsa ng toyo dito.

"Argh!"

Napasigaw nalang ako sa sobrang gigil sa hayop na 'yon. Padabog kong binato sa locker ang gamit ko, wala akong balak dalhin sa room 'yang damit na inadobo no'ng hayop na 'yon.

Binuksan ko ang bag ko at nagsimulang magspray ng perfume sa wrist ko, baka sakaling hindi na ako amoy toyo.

Habang busy akong nagmumura sa isip ko, hindi ko namalayan na may nabunggo ako.

"Hala, I'm sorry" I said habang tinutulungan ko siya sa pagpulot ng nalaglag niyang papel— Wait hindi to normal na papel kasi.. May heart? love letters?

"No, It's okay." He smiled at me, napatitig ako sa mukha niya. Pantay pantay at mapuputing ngipin ang sumalubong sa'kin, at nakangiti siya na parang wala ng bukas.

"Thank you!" He said

"Do... Do I know you?" I asked, He's quite familiar to me.

Nakita ko na ba siya?

He just raised his eyebrows na parang nang-aasar.

I continue, "Familiar ka kasi.." pilit kong inaalala ang mukha niya, sure akong nakita ko na siya.

Kanina ko pa iniisip kung sino ba talaga siya, natigil nalang ako sa pag-iisip ng may inabot siya sa'king panyo.

"Pinagpapawisan ka," Sabi niya habang hawak hawak parin ang panyo. He chuckled, "Sige na tanggapin mo na. By the way, I'm Xavier"

He offered his hand at tinanggap ko naman agad 'yon. Choosy pa ba? Papabols na 'to oh!

"Frankie Amber but you can call me Amber." I smiled

"Would you mind if I call you Love?"

"H-ha?!"

He laughed, for god sake! 'Yong tawa niya parang musika na ang sarap pakinggan.

"I'm asking if I can call you Frankie? I like it more than Amber." he said, parang mas gusto ko 'yong isa niyang tanong. Hmp!

"Mas okay kung love..." bulong ko pero mukhang narinig niya.

"Hmm?" He asked, Joke lang 'di pala niya narinig.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon