47

544 27 14
                                    



"Bakit ka napatawag?" He asked.

"Xav, hindi ako makapali parang gusto kong dumumi." I said, I called Xavier kasi hindi ako mapakali para sa event mamayang gabi. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. Kung pupunta kasi ako baka kabahan lang ako doon at biglang magcollapse. Kung hindi naman, baka madisappoint sa'kin si Mommy. Ayoko namang mangyari 'yon.

"Wala bang cr diyan sa kwarto mo?" He asked, mukhang naabala ko siya sa pagtulog niya. Strict pa naman ang manager niya pagdating sa tulog ni Xavier. Suntok sa buwan lang kasi siya mawalan ng taping kaya binabawi niya ngayon ang tulog.

"Meron." I pout at tinaas ang mga paa ko sa ere para paglaruan ito. Mukhang kailangan ko na ng bagong pedicure! Pumapanget na 'yung paa ko, hindi ko na masyadong gusto ang kulay ng kuko ko.

"Oh, bakit mo pa sinasabi sa'kin? Mag banyo ka na." Halatang naiinis na siya sa'kin but knowing Xavier, hindi niya ako matitiis.

"Eh hindi naman ako nababanyo." I urged.

"Frankie alam mo ba kung anong oras na?" He asked, I looked at my phone to check the time and it's 3 in the midnight.

"3 palang naman..." I said and I heard him sighed.

"Oo Frankie, 3! 3 am! Tatawag ka para lang sabihin na nababanyo ka." Naiinis na siya sa'kin pero kahit gaano pa kabwesit 'yan, hindi naman niya ako kayang babaan ng telepono. That's my bestfriend!

Kanina lang napaga-isipan ko na din 'yung sinabi ni Xavier sa'kin, tungkol sa gusto niyang pag-ako ng baby..

"Xav... napag-isipan ko na 'yung sinabi mo sa'kin..." I whispered and it takes a minute bago siya sumagot.

"A-ano?" He stuttered, mukhang nagulat siya sa sinabi ko. Dalawang araw na ang nakakalipas at hindi namin binabanggit sa isa't isa ang tungkol d'yan. Ayoko kasing magkaroon kami ng ilangan at alam kong ganoon din siya.

Buo ang desisyon ko na aakuin ko mag-isa ang baby, ayokong ipasa o idamay si Xavier dito. Sapat na 'yung kaibigan ko siya at ayokong masira ang buhay niya.

But... I need to have fun today! Maybe I can prank him..

"Itakas mo ako dito Xav.." I seriously said, I covered my mouth para hindi niya marinig ang hagikhik ko. And for the second time, hindi nanaman siya naging handa sa sinabi ko. Inabot siya ng ilang minuto bago sumagot.

Akala mo ikaw lang marunong magbiro dito, ah!

"F-Frankie—-" He stop, taka akong tumingin sa phone at nakita kong naka-end na ang call namin. I tried to call him and..

"You don't have enough balance to—-" I turned it off and I faced the ceiling. Bakit ngayon pa ako nawalan ng load?!

"Argh!" Inis akong pumadyak sa kama dahil sa katangahan ko, alam kong seseryosohin din ni Xavier 'yon! Baka mamaya pumunta siya dito at talagang itakas ako! Dios mio! Nagkaroon na ako ng kasalanan sa pagbuo ng bata at ayaw ko nang dagdagan pa 'yon! Baka tuluyan na akong itakwil nila Mommy!

I opened my phone at walang text galing kay Xavier, mukhang wala ding load 'tong panget na 'to! I opened my instagram and luckily, He's online! May internet naman kasi sa mansion, wala lang talaga akong load pangtawag.


to: @xaviergomez
just kidding, sleep ka na! mall tayo tom. morning!


I hope mabasa 'yan ni Xavier bago siya makahanap ng tutuluyan namin, mahirap na!


Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon