23

597 36 18
                                    




"Frankie! Ang bagal! Panget na nga ang bagal pa!" Sigaw ni Xavier habang hinihintay ako sa baba. Napairap naman ako sa hangin dahil sa sigaw niya, annoying brat!

"Coming!" I shouted, I get my bag and my keys at lumabas na.

It's been 3 years since Clyde and I broke up, Masakit noong una but sabi nga nila, time heals all wounds. Mas naging madali din saking kalimutan siya dahil umalis na siya sa university,  I heard pumunta na siyang Australia. Good for him.

At first mahirap talaga, I have sleepless night na siya lang ang iniisip ko. I even questioned my self worth dahil sa ginawa niya, bumaba ang tingin ko sa sarili ko at nahirapan akong magtiwala ulit. Pero I just realized that pain is inevitable but suffering is optional. It's up to you kung habang buhay kang magpapakalugmok sa buhay mo.

That's why, I chose to be strong enough to let go and patiently wait until I get what I deserve.

And this is what I deserve, a peacefully life. Walang cheater, walang user, just me.

I saw Xavier wearing his hoodie and a face mask, takot parin siyang may makakita sa kaniya. Napailing nalang ako ng makita ko siya, holdaper yata 'to eh.

"Tita, alis na po ako." I said while hugging her and I gave her a kiss on cheeks.

"Take care." She said at bumalik na sa pagbabasa ng mga papeles sa table niya, pansin ko na nangangayayat na siya dahil 'yan sa pagpupuyat niya at paglulunod sa sarili niya sa trabaho.

Lagi ko siyang sinasabihan na huwag masyadong magpakalunod sa trabaho at matulog ng sapat pero lagi niyang sinasabi 'no' Oh diba baliw. Mamaya nga uuwi ako para ipaghanda siya.

Lumabas na kami ni Xavier ng mansyon at sumakay na sa sasakyan niya. Simula ng naghiwalay kami ni Clyde, si Xavier na ang kasama ko lagi. Siya ang kasama ko sa iyak, tawa at takot. Isang beses nga nafeatured kami sa isang newspaper, ako daw ang non-showbiz girlfriend ni Xavier. Iniisip tuloy nila na si Xav ang dahilan ng break up namin ni Clyde.

Cha and I are not in a good condition, naapektuhan ang pagkakaibigan namin dahil bestfriend niya si Clyde. Sabi niya naiintindihan niya ako, pero dumaan ang isang taon na para bang iniiwasan niya ako, syempre siguro mas kaibigan niya parin si Clyde kaysa saakin. I just let her do what She wants, after all nandito naman si Xavier.

Isang taon nalang at gagraduate na kami, Deans lister parin ako at tumatakbo bilang Magna cum laude and I'm doing my best para hindi madisappoint si Tita. Today is not a normal day, pupunta kami ng dress store para maghanap ng isusuot namin ni Xavier para sa ball bukas.

FAW University conducted a ball wherein lahat ng graduating students ay magsasama sama sa isang party para magsaya, ayoko sanang pumunta but Xavier push me, nakakainis nga eh. Pero okay lang kahit sa simpleng pagpayag ko sa kaniya ay makabawi ako sa lahat ng iniyak ko sa kaniya.

Pupunta kami sa store nila Airene, Designer kasi ang Mom niya kaya sabi niya sa kanila kami kumuha. Mabilis kaming nakarating sa shop dahil nandito lang naman sa manila ang main branch ng shop ng Mom niya.

Pinagbuksan ako ng pintuan ni Xavier at natawa ako sa kaniya, sa suot niya kasi para siyang holdaper. Binatukan ko siya habang naglalakad kami.

"Aray! Bakit ba?" He asked while creasing his forehead, I laughed at him at inakbayan ko siya. Napayuko siya ng kaunti dahil mas matangkad siya saakin.

"Alam mo, mukha ka kasing tanga." I said at itinuro ang mga batang umiiwas sa kaniya. "Tingnan mo, natatakot sila sayo mukha ka kasing holdaper eh!" Natatawa kong sabi sa kaniya, tinanggal niya ang pagkakaakbay saakin at pinatong naman siya ang braso niya sa balikat ko para siya ang umakbay.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon