05

922 129 5
                                    




Sabi nila, when you're deciding kailangan isaalang-alang mo ang mga posibleng mangyari. In that way, madadalian kang magdesisyon. but in my situation, hindi uso ang madaling desisyon.

I'm stuck between, papairalin ko ba ang galit ko sa demonyong ito? O pakikisamahan ko siya hanggang maubos ang pasensya ko?

Scholarship ko ang nakasalalay dito at kung itutuloy ko naman, dignidad at pananampalataya ang mauubos sa'kin.

I sighed, hindi ko na alam ang gagawin ko. Basta ang alam ko lang, pumayag na ako sa gusto ng matatanda and there's no turning back!

"Tsk." He said, Sino pa ba? Edi ang magaling kong kasabay pumasok.

Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa upuan habang inaabala ko ang sarili kong nakatingin sa bintana. Tanaw na tanaw ko ang pinaka nakakamangha na bagay sa Pilipinas, traffic.

9:00 am ang schedule namin at 9:10 am na nasa byahe parin kami.

Sa kamalas-malasang pangyayari, inabot pa kami ng traffic. Paano kasi, na-late daw siyang nagising at nakalimutan na mayroon siyang susunduin. Ayaw naman ako paalisin ng bantay ni Tita dahil sa usapan. Kaya, ayan! Sabay kaming malelate!

"This is all your fault," Sabi niya na ikinabaling ko ng atensyon sa kaniya.

I raised my eyebrow and immediately glared at him.

"Excuse me?! This is all your fault. Kung hindi ka sana basagulero, edi sana nananahimik akong nag-aaral ngayon!" Singhal ko sa kaniya

Kung hindi lang sana siya gago edi sana hindi kami magkasama ngayon. At bakit hindi ko alam na business partner ang magulang niya ay si Tita, this is their fault.

Ayaw na ayaw ko sa taong gagawin ang lahat para sa negosyo.

That's bullshit.

Binabasura mo ang sarili kong dignidad para lang sa pera. Fuck money!

"If you're not poor, and I think you can say no to them!" He shouted back.

"Alam mo ikaw, demonyo ka! Pati kahirapan ng tao idadamay mo pa? Sorry ha?! Kasi hindi ako kasing yaman mo! And sorry kung wala akong pang tuition fee! Demonyong hampas lupa!" I shout at him hanggang sa maputol ang litid ko, wala na akong pakialam.

Alam ko naman na hindi niya naiintindihan ang tagalog kaya malakas ang loob ko.

"Shut up!" Singhal niya sabay binilisan ang pagpapatakbo.

Kahit medyo traffic, nagagawa niyang patabihin ang mga sasakyan at humarurot. Well, what do you expect from a Smith? Mabuti nalang at naka-seatbelt ako. Kung hindi baka kanina pa ako lumipad sa
labas.

"DEMON!" Sigaw ko habang mahigpit parin ang hawak sa pintuan ng sasakyan niya, natatakot na ako. Hindi ko na kaya.

Halos hindi na ako umabot ng buhay sa school dahil sa ginawa niya. Nag-park siya at mabilis na lumabas, sumunod naman ako para sigawan siya.

"Hoy! Papatayin mo ba ako ha?!"

Hindi niya ako pinansin at pa-cool na naglakad habang nakalagay ang isang kamay niya sa bulsa at ang isa naman ay hawak ang bag niya.

"Argh!" Napapadyak nalang ako at sinipa ang sasakyan niya.

I don't fucking care if it's matte black Chevrolet Corvette, I just hate the owner!

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon