12

705 92 4
                                    




At first, I didn't expect this to happen. It all started with a curse and punches and now, I never would have guessed it would lead to this.

Clyde didn't do anything but to ruined my day, but today He completed and fixed it.

Alam kong masyadong mabilis but it's not about time na magkasama kayo. It's about feelings na nararamdaman niyo.

I can say that this is the best day of my life!

Hindi ko na siya kinuwestiyon sa nangyari kahapon dahil unang una, nahihiya ako at pangalawa, gusto ko din naman—putangina?! Minsan talaga gusto ko nang ipadisinfect ang utak ko, sobrang daming germs!

That's my first fucking kiss! Of course, naghysterical ako pero hindi ko naman matago ang kilig sa loob ko.

Nakangiti ako habang nakatingin sa kamay naming magkahawak.

Today is monday and as usual sinundo niya ako sa bahay, nakasimangot siya pero nang nakita niya ako ay ngumiti siya.

And I find it so cute!

Isang kamay niya lang ang may hawak ng manibela habang ang isa naman ay hawak ko, masaya pala talagang ma-inlove.

Dati, takot ako dito dahil alam kong sakit lang ang mabibigay nito sa'kin, but the moment na nakilala ko si Clyde, nawala lahat ng worries ko, lahat ng what if's and what might naglaho ng parang bula.

Lahat 'yon, binura ni Clyde.

Nakarating na kami sa school at agaw atensyon ang paglalakad namin ng sabay habang magkahawak ang kamay.

Binabawi ko ang kamay ko dahil sa hiya pero masyadong mahigpit ang hawak niya at hindi ako makakalas.

Napakunot ang noo niya habang tinitingnan akong kumalas.

"What are you doing?" He asked habang nakakunot parin ang noo.

"Na-nakakahiya.." I said napahalukipkip naman ako dahil damang dama ko lahat ng tingin nila sa'kin.

"You're so cute, love." He chuckled at bahagyang humalik sa noo ko, naramdaman ko namang namula ang pisngi ko sa sinabi niya.

Hindi niya parin binibitawan ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nakarating na kami sa room at sinalubong naman ako ng tili ni Charity.

"What the fuck Cha! You're so annoying!" Singhal ko pero inirapan niya lang ako at ngumiti ulit.

"Is it true? Is it true?!"

Paulit ulit niyang tanong habang nagpipigil ng kilig, I raised my eyebrow para iparating sa kaniya na hindi ko siya naiintindihan.

"You and Clyde!"

Nakiramdam ko naman ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko and I fake my cough. Hindi ko siya pinansin at dumiretso sa upuan ko.

Napahawak ako sa tainga ko ng bigla ulit tumuli si Cha.

"So, it's true nga?! I told you! Last time ayaw-ayaw ka pa!"

Napailing naman ako sa inasta niya at pinanlakihan siya ng mata, nag-peace sign lang siya at tumabi na sa upuan ko nang dumating ang Professor namin.

Natapos ang klase nang walang dumaan na kalokohan, mabilis akong lumabas at papunta na sana ako ng comfort room nang makasalubong ko si Xavier, tinaas ko ang kamay ko para kawayan siya. Halos mapatakbo ako sa excitement ng makita ko siya.

"Xav!" He smiled and He hugged me.

"Namiss kita Frankie!"

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kaniya at hinarap siya.

"Ako din! Sobrang busy mo naman kasi sa mga projects mo e! Pa-autograph naman idol!" Pang aasar ko sa kaniya, nitong mga nakaraang araw kasi sobrang busy na niya.

Minsan naghahalf day siya para sa pictorial niya, iba talaga buhay artista!

Tinawanan niya ako at nasilayan ko ulit ang singkit niyang mata na nawawala kapag tumatawa siya, ang pantay pantay niyang ngipin at ang maaliwas niyang mukha.

He's really a superstar!

"Lunch? My treat!"

"'yan ang gusto ko sa'yo!" Nakangiti kong sabi at hinawakan siya sa braso para hilain sa cafeteria.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyante habang naglalakad kami at nakakarinig ako ng bulungan.

'Diba sila na ni Clyde?'

'Oo nga, bakit niya nilalandi si Xavier?'

'Malandi'

'Pokpok'

Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ko si Xavier, bakas sa mata niya ang pag aalala. Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Natigilan ako sa paglalakad nang mayroong marahas na humila sa'kin, nakita ko si Clyde na galit na galit.

Sa sobrang pagkamiss ko kay Xavier hindi ko namalayan na naiwan ko si Clyde sa room!

"Dude." Mahinahong sabi ni Xavier.

"Back off, Gomez." Galit na sabi ni Clyde habang matalim na nakatingin kay Xavier.

Bakas sa mukha niyang galit na galit siya at damang dama ko 'yon sa paghawak niya.

"A-aray, Clyde."

"Dude, nasasaktan siya!" Sigaw ni Xavier habang hinihila ako pabalik sa kaniya, ang pwesto namin ay si Xavier sa kaliwang braso at si Clyde naman sa kanan.

"And why do care?!" Galit na tanong ni Clyde, napalinga ako sa mga tao dahil pinagtitinginan na kami.

Binawi ko ang kamay ko sa kanilang dalawa at galit na hinarap sila. Binawi ulit ni Clyde ang kamay ko at marahas na hinila ako paalis.

"Ano ba?! Sabing nasasaktan ako!" Singhal ko sa kaniya pero para bang wala siyang naririnig at tuloy tuloy lang sa paglalakad.

"Clyde! What the— Ano bang problema mo?!" Huminto kami sa likod ng Building, sa may lumang fountain.

"You're asking what the fuck is my problem?! Do you think I'll forgive you for leaving me and going out with that superstar?!"

Napapikit naman ako sa sigaw niya, parang kahit ano mang oras kaya niya akong saktan.

But Xavier is my friend, at ayoko ng kinokontrol ako.

"But We're friends! Ano bang hindi mo maintindihan doon?!"

"Friends? A friend that you're willing to leave your boyfriend?" Natigilan naman ako sa sinabi niya, boyfriend? This is the first time na nakita ko siyang ganyan, and I don't know how to handle it.

Matapang akong tao pero pagdating kay Clyde, nanlalambot ako. Hindi ko ugaling umiyak pero sa pagkakataong ito, nag iinit na ang gilid ng mata ko.

Shit, hindi niya pa nga ako nililigawan! Boyfriend kaagad?!

Agad siyang lumapit saakin at niyakap ako.

"Look, I'm sorry. I didn't mean to shout, I was just mad.." He kissed the top of my head and hugged me tight.

"C-Clyde..B-boyfriend kita?" I asked and I looked at him. He chuckled at ginulo niya ang buhok ko.

"You're so cute and yes, Love. You're mine, whether you like it or not."

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon