02

1.1K 153 19
                                    



Kanina pa ako pagulong gulong dito sa kama ko at patuloy na ginugulo sa isip ng isang demonyong nagngangalang Clyde.

Pagkatapos niya halikan 'yong noo ko, OO 'YONG NOO KO!!

First kiss ng noo ko 'yon no!

Over acting na kung over acting pero hello! Virgin pa ako, whole body! 100% legit and authentic.

Ngayon 98% nalang virginty ko. Hayop talaga!

Pagkatapos niya halikan 'yong noo ko, iniwan niya nalang ako sa cafeteria. Ramdam na ramdam ko lahat ng titig nilang pinapatay ako, maski si Cha at Xavier walang nasabi. Nagpaalam na ako pagkatapos nun kay Cha at Xavier, nauna na ako sa classroom at naghalukipkip sa sobrang hiya. Mayroon pa akong naririnig na bulong-bulungan sa gilid ng mga impaktang haliparot..

'Ano bang meron 'yang babaeng 'yan at hinalikan siya ng Clyde ko?!'

'Hindi naman maganda, makinis lang'

There you go, linyahan ng mga babaeng hindi marunong maghilod.

'Kung ako 'yon baka namatay na ako sa kilig'

'She'll pay for this! I'll make her life miserable!'

Alam kong sinadya 'to ng Clyde na 'yon para makaganti sa pag biyak ko ng kabuhayan showcase niya. Alam niya kasing hindi niya ako kayang gantihan ng sarili niyang kamay kaya ang mga haliparot girls niya ang gagawa para sa'kin.

Natigil nalang ang pag-iisip ko ng may kumatok sa kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at tumambad sa'kin si Tita Janine.

"Yes tita?" I asked her

Minsan lang kasi kami mag usap ni Tita. It depends if it's about school, talagang mahaba-habang usapan.

"I just want to check if you're okay.." She said at bakas sa tanong niya na nag aalala siya.

"I'm fine tita." I smiled to give her assurance na okay lang ako.

"Good to know,"

She looked at the maids behind her and sinenyasan silang ipasok lahat ng dala nilang paper bags.

"I bought this stuffs for you, I hope you'll like it." She smiled at me.

Sunod sunod naman pumasok ang mga maids day kwarto ko bitbit bitbit ang mga paper bags na mukhang mga mamahaling damit at bag. My jaw dropped because of what I saw, I mean, this is too much!

"Nako tita, you don't have to do this po. I have clothes pa naman and I can still use it at school."

"Don't you like it?" Malungkot niyang tanong

"No, I mean— of course, I like it. But this is too much, you already gave me a scholarship and a place to stay. And giving me material things was too much. I'm grateful but I can't accept this." I said and smiled

Ayaw ko namang isipin niyang sinasamantala ko ang pagiging mabait niya.

"I'm happy to see you happy, just accept this. Consider it as a gift. Okay?" She said, ayoko nang humaba pa ang usapan kaya tumango nalang ako at nginitian siya.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon