06

874 125 8
                                    




After that day, pinauwi na din ako ng Doctor at sinabi na maging maselan sya kakainin dahil mahirap kapag umatake ulit ang allergy.

Pumunta si Tita Janine sa Hospital pero si Mama, hindi. Tinanong ko siya kung pupunta ba si Mama, sabi niya hindi daw alam.

Hindi ako naniniwala...

But then, hindi nalang ako umimik at sumama na pauwi.

Until now, hindi ko parin siya kilala ay kung ano ang dahilan bakit niya ako iniiyakan.

Natulog nalang din ako agad pauwi at naalimpungatan ako kaya nagbasa ng libro dahil may quiz daw bukas. Inabot ako ng 1 am sa pagrereview at natulugan ko ang libro sa mukha.

Nagising ako ng bandang 7 am at ginawa ko na ang morning routine ko at nagbihis para sa school. This is the problem kapag walang uniform ang university niyo, mauubusan ka talaga ng idea na susuotin.

Good thing, maraming binili si Tita kaya marami akong choices.

I'm wearing a simple t-shirt partnered with a high waisted checkered black skirt and white sneakers. I just let my hair down and I put liptint to give color to my pale lips.

Wala ako sa mood mag-ayos today. Okay na 'to.

My phone vibrated kaya kinuha ko ito, I opened it and I received text from Clyde.

Yes, He got my number.

This is just for emergency purposes and also every morning, para alam ko kung andyan na siya.

From: Demonking
Outside.

Wow ang sweet, nakakalambot ng puso.

Bumaba na ako at naabutan ko si Tita na nag-aalmusal. I greet her and sinabi ko na sa cafe nalang ako magbebreakfast dahil andyan na si Clyde.

She just smiled, weird.

Lumabas na ako at naabutan ko si Clyde na nakasandal sa matte black Chevrolet Corvette niya. He's wearing a simple v-neck shirt that reveals his masculine shape, partnered with a maong pants and white sneakers. He's also wearing a reading glasses that made him look matured and cute at the same time.

Damn this Clyde Lucas, such a hottie— kasi sunog na sa impyerno.

He just raised his eyebrow nang makita ako at pumasok na sa sasakyan.

Wow, good morning naman.

Pumasok na din ako sa loob dahil baka may masabi pa 'tong demonyong 'to.

"Starbucks, I'm starving."

Hindi siya sumagot pero agad naman siyang lumiko papunta sa pinakamalapit na Starbucks.

Habang umoorder kami, nagkakagulo ang staff dahil kay Clyde. Nagaagawan kung sino ang kukuha ng pera at order, like eww He's a demon!

I ordered Caramel macchiato and chocolate brownie while He ordered Caffè Americano and ensaymada.

Nakarating kami sa school ng 30 minutes early kaya dumiretso kami sa bench para magreview, I still need to tutor him. Kailangan niyang makakuha ng mataas na score dito kasi magrereflect 'to ng pagsasama namin ng ilang araw.

I started to open my notes and nagbasa na ako ng mga hindi ko natapos basahin.

"You're reviewing," Narinig kong sabi niya.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon