41

526 23 11
                                    



The purpose of sacrifices is not about being happy, it's about being worthy of happiness.

Ganito pala ang pakiramdam na nagsasakripisyo, parang naulit lang 'yung ginawa ni Mama kay Mommy at para sa'kin. Ang sakit pala talaga...

Para akong sinasaksak ng paulit ulit gamit ang iba't ibang klase ng kutsilyo, sa iba't ibang parte ng katawan.

I smiled bitterly and I sat down to the swing, I think it's 1 in the midnight at talagang wala ng tao. Mabuti nalang wala dahil wala akong balak na magmukhang kawawa sa mata nila.

Napatulala lang ako sa kawalan dahil sa sakit na nararamdaman ko, I covered my face kasabay ng pagbagsak ng mga luhang kanina pa nagpapadya.

Why do I have to experience this kind of pain? Why do I have to lose someone I love again? Why?

Destiny, Why are you so cruel?

I laughed sarcastically, ito na ba talaga ang nakasulat sa tadhana? Ang paiyakin ako ng maraming beses sa iisang lugar dahil sa iisang tao? Tangina ano 'to? Drama? Sana pinatay niyo nalang ako kung ganito lang pala kahahantungan ng buhay ko.

Deserve ko ba 'to?! Tangina lang.

I just let my self cried as much as I can, matatapos din 'to. Napagdaanan ko na 'to e. Naging matatag nga ako e pero ngayon, iba talaga 'yung sakit.

Masakit, sobra pero hayaan mo na. Wala na rin namang magagawa e.

I felt my phone vibrated that caught my attention, I tried to sound normal and I answered it.

"H-hello?" I answered normally kahit na nanginginig ang mga labi ko.


"Where are you?" I heard Xavier's voice dahilan para mas mapahagulgol ako ng iyak. I think I need a shoulder to cry... I need Xavier..

"Frankie!"

"P-Park... C-Clyde's condo.." halos mapiyok ako but I managed to answer him, He ended the call and I received a text from him.

From: Xavier baho
Hintayin mo 'ko d'yan.

Tumingala ako at tumingin sa mga bituing nanonood sa'kin, mabuti pa sila. Masaya, walang pinoproblema. Samantalang ako, umiiyak sa loob ng mahigit apat na taon dahil sa iisang tao.

'Yung langit ngayon parang nananadya, kasi kung gaano kadilim ang nararamdaman ko, ganoon din siya kadilim at tila sumabay pa sa kalungkutan ko.

'yang mga bituin na 'yan, saksi 'yan sa lahat ng luhang binuhos ko. Saksi ang kalawakan kung gaano kabigat ang mga hakbang ko papalayo sa kaniya at kung gaano kailap ang tadhana sa'kin.

Hanggang kailan pa ba ako magdurusa dahil sa kaniya?

I wiped my tears at tumitig sa kawalan, "You did a right decision, Amber." I patted my shoulders and I smiled to my self.

"Ginawa mo lang 'yung tama..." I whispered.

Itinuon ko lang ang atensyon ko sa harap ko at nag isip ng kung anu-ano. Naalala ko noong first day ko sa FAW si Clyde agad ang sumira ng araw ko, in my first day He stole my forehead's first kiss, lahat ng emosyon naramdaman ko sa kaniya. Saya, kilig, pagkasabik, lungkot, takot, pangamba, sakit at selos.

How Clyde protected me ever since I was born, how He controlled himself not to come near me, how He secretly admire me kahit hindi ko siya kilala, how He saved me from Charity and Emily. How He cried infront of me and how He made me feel special.

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon