15

712 70 23
                                    




Abot langit ang ngiti ko ng pumasok ako sa mansyon, nakita ko si Tita na nasa Living room at nagkakape. Iniisip ko tuloy kung nakita niya kaya 'yong nangyari kanina? Kinakabahan tuloy ako, sobrang nakakahiya if she found out na lumalandi na 'yong scholar niya. lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Hi tita!" I smiled, nakita ko ang pagtataka sa mukha ni tita pero ngumiti rin siya pagkatapos.

"What's with the smile, Hija? I don't know that milktea can make you smile like that." She laughed at bahagyang ginulo ang buhok ko, I just smiled at her.

Tita Janine is really an ideal Mom, Kung may anak lang siguro siya, sobrang spoiled at alaga niya. Sobrang swerte niya kapag nagkataon, pero bakit kaya wala man lang asawa 'to si tita?

Ngumiti ako sa kaniya at manahimik nalang, I can't say that I'm smiling because of what Clyde did! Lagot na kapag nagkataon.

"By the way, you have visitor." I looked at her at napakunot ng noo, I did not expect anyone. Besides gabi na rin, wala namang nagsabi saakin na may pupunta dito.

"Who?" I asked and She pointed someone behind me, lumingon ako at nakita ko si Mama na nakangiti saakin.

"Mama!!" Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya ng mahigpit,.

"Namiss kita, kamusta ka na po?" I asked her.

"Okay naman ako Amber, ikaw kamusta sa school mo? Masaya ka ba?" She asked habang may nagbabadyang luha sa mga mata niya. I smiled at her.

"Of course! Madami na akong friends ma, pero alam mo mas masaya kung kasama ka namin..."

"Ano ka ba? Masanay ka nang wala ako, tutal tumatanda ka na." Napangiwi naman ako sa sinabi niya at niyakap ulit siya.

Hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko kung hindi ko kasama si mama, siya na ang tumayong magulang at kaibigan ko noong nasa Rizal pa kami, never nagkulang sa alaga, paalala at pagmamahal 'yan. Kaya ang dahilan ko para mag aral ng mabuti ay para mabigyan siya ng buhay na deserve niya.

Kumalas din ako ng pagkakayakap ng biglang umubo si tita, lumingon kami sa kaniya at tsaka nagsalita.

I can see pain in her eyes, why?

"It's getting late Amber, you need to take a rest." Malamig niyang sabi at umakyat na sa kwarto niya. Anong problema nun? Parang kanina lang masaya siyang nakita na nakangiti ako.

"Umakyat kaya Amber, susunod ako." I just smiled at her at umakyat na sa taas.

Ilang minuto din akong linga ng linga sa kwarto at hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali. Busy ako sa paggulong gulong ng biglang nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko ito at nakitang tumatawag si Clyde. Sinagot ko naman ito at hinintay siyang magsalita.

"Why are you still awake?" He said using his husky voice, mukhang inaantok na siya.

"Can't sleep.." sagot ko sa kaniya habang pagulong gulong sa kama ko.

"Still thinking about what happened earlier?" Naramdaman ko namang nag iinit ang mukha ko, mabuti nalang at wala dito si Clyde, kung hindi asar na asar nanaman ako sa panunukso niya.


"I can't see you but I know you're blushing." He chuckled at napairap sa kaniya pero hindi ko mapigilang mapangiti, kahit sandaling panahon palang kami magkasama ay kabisado ng kabisado na niya ako.

"Matulog ka na nga!" Umupo ako at isinandal ang likod sa headboard ng kama.

"I can't sleep, there's something bothering me."

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon