42

515 19 14
                                    



"Frankie!" Natigilan ako ng magsalita si Xavier, nasa cafeteria kami ngayon dahil lunch time. Pagkatapos ng nangyari kanina ay tulala akong bumalik ng classroom, hindi ko rin namalayan ang oras at lunch time na pala. Bumalik lang ako sa katinuan ng nasa harap ko na si Xavier.

"H-ha? May sinasabi ka ba?" I asked him, his forehead creased at tila sinusuri ang buong mukha ko.

"May problema ba?" He asked but I just shook my head, itinuon ko ang atensyon ko sa pagkain sa harap ko at kumain nalang.

I don't know, I know Clyde used protection kaya kampante kaming hindi makakabuo. I don't know, paano kung buntis ako? Magpaparaya nalang ba ako kay Derry? Pero kailangan din ng anak ko si Clyde..

Putangina talaga! I don't know what to do kung buntis nga ako, siguro kailangan ko na magpacheck up...

'So sila na nga ulit?'

'Kawawa naman si Amber..'

'Girl, may Xavier naman si Amber.'

'Hindi naman sila..'

Napapikit ako ng nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid, I turned my head at para akong pinatay ng unti unti nang makita ko si Clyde na inaalalayan si Derry papasok ng cafeteria. Nakangiti siya at mukhang mahal na mahal niya si Derry.

They look so inlove with each other, parang kanina lang hindi niya daw alam kung paano mabuhay ah? Tapos ngayon mukhang gusto na niyang mag exist ng thousand years dahil kay Derry.

Napansin kong umiikot ang paningin ni Clyde kaya tinuon ko ang atensyon kay Xavier at ngumiti sa kaniya. Sinubuan ko ng pagkain si Xavier at natawa ako sa reaksyon niya.

"Frankie! Ang daming paminta!" Sigaw niya, I giggled and I handed him a drink. Halos maduwal siya kakalaban sa paminta sa bibig niya, I raised my hand and I form a sign of peace. Itinaas niya rin ang kamay niya at ngumiti sa'kin, akala ko ay magfoform din siya ng peace pero mabilis niyang pinitik ang noo ko.

"Ouch!" Napapikit ako sa sakit pero agad ding napalitan ng ngisi, pinitik ko siya pabalik at aambahan na ng suntok pero mabilis siyang nakailag.

"Panget!" He said

"Baho!" I said

Natawa kami sa pagiging isip bata naming dalawa, masaya talaga ako na mayroon akong Xavier na handang magpasaya sa'kin. Kahit na sobrang dilim, dadating parin siya dala dala ang kandila sa kamay niya na magsisilbing ilaw sa madilim kong mundo.

"Frankie... dalawang linggo nalang graduation na, anong balak mo?" Pagbubukas niya ng topic habang nagbubukas ng inumin. I look at him and I shrugged.

"Ang sabi ni Mommy, ihahanda daw ako sa pagmana ng Williams corp. Ikaw?" I asked him, minsan kasi na pag uusapan namin ni Mommy ang kompanya and the moment na makagraduate ako, ipapakilala na ako sa buong mundo. The heiress of the Williams corporation, supposedly partners kami ni Clyde kapag ipapakilala ako but sad thing, hindi na kami aabot doon.

"Wow! Bigtime, may kaibigan na akong CEO!" Pagbibiro niya, binato ko siya ng fries at tinawanan.

"Tarantado." I said

Across The Great BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon