CHAPTER ONE - Part 1

2.2K 60 0
                                    

Disclaimer:  This story is raw and completely unedited. You may encounter typo and grammatical errors. I apologize in advance and please understand. Thank you. 


*****************


HABANG dini-dribol ni Steven ang bola ay naghahanap siya ng tyempo kung paano malulusutan ang mahigpit na pagbabantay ni Maceo. Umangat ang isang sulok ng labi niya, sabay lundag at bato ng bola. Parang huminto ang lahat at sinundan lang ng tingin ang bola.

Three points!

"Yes!" malakas na sigaw ni Steven sabay taas ng dalawang kamay sa ere, maging ng mga kakampi niya. Sila Ren, Makaio, Page, Adam at Hajime. Nagtakbuhan ang mga ito sa kanya at yumakap pagkatapos ay nag-high five silang magkakampi. Nilundag pa siya ni Page at pumasan sa likod niya.

"What the... no!" hiyaw naman ni Aven.

"Pare, ano ba? Talo na tayo noong nakaraan ah! Nanlibre na tayo last week!" protesta ni Dawson.

Nag-high five ulit si Steven at mga kakampi niya saka humarap sa kabilang team.

"Rules are rules, dude!" sagot ni Steven.

"Patay na naman ang allowance ko nito," sabi pa ni Adam.

"Pare, isipin mo na lang. Sino ba ang bantay kay Steven kanina?" tanong ni Hajime.

"Si Maceo," sagot ni Adam.

"Eh di siya lang ang manlilibre!" natatawang sabi ni Hajime.

Bigla silang nagsigawan at parang mga bata na lumundag.

"What?! Hoy, teka! Hindi iyan ang usapan!" mabilis na protesta ni Maceo.

Lumapit sa kanila ang iba pang kakampi ni Maceo at magkakaakbay na lumundag.

"Libre! Libre!"

Humiga si Maceo sa gitna ng indoor basketball court.

"Unfair! This world is unfair!" patuloy na protesta nito.

Biglang sumigaw si Ren. "Ya! Sugod!"

Tumatawang dinaganan nito si Maceo. Sumunod siya, pati na rin ang iba pa nilang kaibigan. Kaya nagmukha tuloy silang pancakes na magkakapatong.

"Aray ko! Mga pengkum kayo!" sigaw ni Maceo.

"Hoy mabigat kayo! Baba!" sigaw din niya na pangatlo sa ilalim.

Sa inis nila ay mukhang sinadyang gumalaw ng mga nasa itaas.

"Baba! Mabigat kayo!" malakas na sigaw ni Ren.

Mayamaya ay nagsigawan ang mga ito saka bumagsak isa-isa. Para ulit silang naglaro ng isang round ng basketball. Humihingal na napahiga na lang sila sa lapag, lalo yata siyang pinagpawisan.

"Mga walanghiya kayo, nadurog yata ang laman-loob ko," reklamo ni Maceo.

Matapos makapagpahinga ay nagsitayo na sila at lumabas ng court. Napalingon siya kay Dawson ng hubarin nito pang-itaas na jersey na suot niyo. Ganoon din ang ginawa ni Aven at Makaio. Naliligo na kasi sila sa pawis, umaga pa lang ay naglalaro na sila ng basketball doon sa indoor court ng Ji Hye International University kung saan major shareholders ang mga tatay nila.


THE KOREAN word Ji Hye in English means wisdom. Ji Hye International University is listed on fourth spot, as one of the most prestigious universities in the country for the past ten years now. Known for its world class and high tech facilities, nakilala rin ang unibersidad sa mataas na dekalidad na edukasyon. Bukod doon ay kilala rin displinado ang mga estudyante doon. Mahigpit na pinatutupad sa unibersidad ang rules and regulations nito. Lahat ng mga nagtatapos sa JHIU ay halos pag-agawan ng mga malalaking kompanya.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now