CHAPTER SIX - Part 1

986 68 3
                                    

          HINDI IYON ang unang beses na pumunta siya sa bahay nila Steven. Pero iyon ang unang pagkakataon na makakapasok siya sa loob at makakaharap ang mga magulang ni Steven. Kung puwede lang utusan ni Darlene ang lupa na bumuka at lamunin na lang siya, ginawa na niya. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya sa sobrang kaba ng mga sandaling iyon. Muling lumingon ang dalaga sa mga kaibigan na nakatanaw sa kanya sa di kalayuan.

"Pindutin mo na 'yong doorbell!" narinig niyang sabi ni Regine.

Sunod-sunod umiling si Darlene, saka biglang naglakad palayo habang hawak ang dalawang Tupperware na may laman na sisig at bicol express. Niluto niya iyon kanina sa bahay nila Regine. Sabi kasi ni Julianna, paborito daw ng buong pamilya nila Steven ang dalawang putahe na iyon. Mabuti na lang at tinuruan siya ng Nanay niya na magluto niyon.

"Hoy Darlene! Saan ka pupunta?" habol sa kanya ni Julianna.

Impit siyang napahiyaw ng hawakan siya ng dalawa saka hinila pabalik sa tapat ng gate ng bahay nila Steven.

"Eh ayoko na! Hindi ko kaya itong gagawin ko!" kabadong sabi niya.

"Ano ka ba?! Pagkatapos mong mag-effort sa pagluluto niyan, hindi ka tutuloy?" ani Julianna.

"Ay mahabaging langit, pakiramdam ko matutunaw ako sa kahihiyan," sagot ni Darlene.

"Huy, tumingin ka nga sa akin," sabi pa ni Julianna.

Sinunod niya ang sinabi ng kaibigan. "Para sa play. Para kay Steven, okay? Tandaan mo 'yang mga 'yan kung bakit mo kailangan gawin ito. Ikaw na rin ang nagsabi di ba? Gagawin mo ang lahat umoo lang si Steven, saka be confident! Si Tita Panyang na nga ang nagsabi, di ba? Masarap ang luto mo, kaya huwag kang magpadala sa hiya," anito.

"Kapag tinanong ako ng parents ni Steven kung bakit ako nandoon, anong sasabihin ko? Na nililigawan ko ang anak nila para lang tanggapin ang role sa play? Ganoon? Mabuti pa 'yong iba, gabi aakyat ng ligaw, ako tanghali! Dinaig ko pa mga intsik!" naiiyak na sagot niya.

Sa inis ni Darlene ay tinawanan lang siya ng mga kaibigan.

"Loka! Bakit? Totoo naman, di ba?" sabi ni Julianna.

"Unless na lang na may iba pang dahilan ang panliligaw mo kaya ganyan na lang ang kaba mo," segunda naman ni Regine.

Bigla siyang natahimik, pakiramdam ni Darlene ay tinamaan siya sa sinabi ng huli. Dahil nitong mga huling araw, tila hindi na niya ginagawa iyon para na lang sa play, parang may iba ng dahilan bukod doon. Isang dahilan na hindi nagpapatulog sa kanya sa gabi, para tumibok ng mabilis ang kanyang puso, at sa halos lahat ng sandali ay walang ibang laman ang kanyang isip kung hindi ang mukha ni Steven. Kahit sa pagkanta, he became her sudden inspiration.

Pinilit niyang itago sa tawa at ngiti ang realization na iyon. "Ano ka ba? Wala ah," sagot niya.

"Iyon naman pala eh, kaya sige na, go!"

"Utang ng loob, samahan n'yo ko! Hindi ko kayang mag-isa 'to. Please?" pakiusap ni Darlene.

Bumuntong-hininga si Julianna. "Sige na, sasamahan na kita. Baka mamaya bumulagta ka doon sa harap nila Tito Dingdong eh," sabi pa ng kaibigan.

"Ay naku, salamat!" sagot niya.


HINDI MAKAPANIWALA si Steven matapos bumungad sa kanya ang hindi inaasahan na bisita. Si Darlene, at may dala itong dalawang Tupperware kasama ang pinsan niyang si Julianna.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now