CHAPTER ONE - Part 2

1.4K 54 6
                                    

NAPATULALA si Darlene ng makita si Jason sa labas ng bahay nito, pagbaba niya ng trycicle ay napalingon ito sa kanya. Halatang nagulat ito sa pagdating niya dahil gaya niya ay saglit itong natulala. Agad umiwas ng tingin sa kanya ang binata, pinigilan niya ang mapaiyak ng mga sandaling iyon. Kailangan tatagan ni Darlene ang loob para makausap ng maayos si Jason. Hindi siya papayag na basta na lang ito makikipag-hiwalay sa kanya over the phone, nang hindi niya naririnig ang tunay na dahilan.

Akmang papasok ng bahay si Jason ng lakas-loob niyang tawagin ito.

"Jason!"

Huminto ito, pero hindi man lang siya nilingon. Agad lumapit si Darlene sa binata at tumayo sa harapan nito.

"Mag-usap tayo," aniya.

"Para saan pa? Hindi ba sinabi ko na sa'yo kanina ng tumawag ako? O baka hindi mo naiintindihan?" inis na sagot nito.

Hindi makapaniwala si Darlene sa narinig.

"Hindi ko naiintindihan? Oo, hindi ko nga naiintindihan! Dahil wala kang sinabi sa akin kung bakit ka biglang nakipag-break sa akin?! Nitong mga nakaraan araw, akala mo ba hindi ko napapansin, panay ang iwas mo sa akin. Hindi kita matawagan, ni hindi mo sinasagot ang mga text ko. Kapag nasa rehearsal tayo, kaswal ang trato mo sa akin. You're taking me for granted! Bakit, Jason? Bakit?!" emosyonal niyang bulalas, nang mga sandaling iyon ay hindi na napigilan ni Darlene ang sarili at tuluyan na siyang naiyak.

Wala siyang narinig na sagot mula kay Jason, tumungo lang ito.

"May nagawa ba akong mali sa'yo?!"

Muli ay hindi na naman sumagot ang binata.

"Sumagot ka! Anong ginawa kong pagkakamali para iwan mo na lang ako ng walang dahilan! Huwag mo akong gawin mukhang tanga!" sigaw niya.

"I need some time for myself to think, Darlene! May problema ako at kailangan ko muna mag-isa. Please," pakiusap nito.

"Meron bang iba?!"

Hindi sumagot si Jason.

"Tinatanong kita, mayroon bang iba?!" pasigaw niyang tanong.

"Wala! Okay? Walang iba!"

"Kung ganoon, bakit?!"

Marahas niyang pinahid ang luha sa kanyang pisngi.

"Please Darlene, pabayaan mo muna ako. I want to solve this by myself," sagot ni Jason.

Naitulak niya si Jason dahil sa magkahalong, galit at frustration na kanyang nararamdaman, habang panay ang iyak niya.

"Alam mo, iyan ang problema sa'yo! Sa tuwing may problema ka, palagi mong sino-solo! Kahit minsan, hindi mo sinabi man sa akin sa tuwing may pinagdadaanan ka! Palagi ko na lang sa iba nalalaman! Gusto kitang damayan at suportahan, but you won't allow me! Mag-iisang taon na tayo, Jason, pero kahit isang beses, hindi ko naramdaman na espesyal ako sa'yo. Sabihin mo nga sa akin ng deretso, minahal mo man lang ba ako?"

"Darlene, alam mong gusto kita noon pa. Kapag naayos ko ang problema, tatawagan ulit kita," giit ni Jason.

Lalo siyang naiyak sa narinig, parang hinati sa dalawa ang kanyang puso.

"Hindi mo nga ako minahal, dahil iba ang ibig sabihin ng gusto sa mahal. Huwag kang mag-aalala, hindi ako pumunta dito para ipilit ang sarili ko. Marunong akong bumitaw kapag kailangan, dahil ang totoo hindi mo naman talaga ako kailangan eh. Come to think of it, hindi naman talaga girlfriend ang naging trato mo sa akin kahit noon pa," puno ng sama ng loob na sagot niya.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora