CHAPTER SIX - Part 3

1K 61 3
                                    

"DARLENE, kumusta na 'yong kay Steven? Pumayag na ba siya?" tanong ni Direktor ng musical play nila.

Alanganin siyang napangiti. "Sorry direk, hindi pa rin po eh. Pero sinunod ko 'yong sinabi n'yo, I am pursuing him now. Sana nga po tanggapin na niya ang role, inaalala ko rin po 'yong oras. Baka magahol tayo," sagot niya.

Napalingon silang dalawa ng director ng biglang sumingit sa usapan si Mhay.

"Naku direk, feeling ko malapit ng pumayag si Steven. Kung nakita n'yo lang silang dalawa kanina," walang preno nitong sabi.

Marahan natawa ang director nila. "May narinig nga akong bulungan mula sa ibang mga estudyante. They're talking about you and Steven," anito.

Napapikit siya saka napailing. Hindi alam ni Darlene kung paano haharapin ang ganoon klase ng sitwasyon. She is very much a private person, kahit madalas siyang nakikita sa entablado tuwing may stage play. Pero kapag ordinaryong araw ay simpleng estudyante siya. Hindi siya sanay sa special na atensiyon.

"Naku Sir, wala 'yon ibig sabihin," depensa niya.

Sinulayapan nito ang bulaklak na binigay ni Steven na nakapatong sa ibabaw ng bag niya.

"Kaming mga lalaki, hindi kami nagbibigay ng flowers ng walang ibig sabihin,"

sabi nito.

Saglit siyang natigilan at napaisip. "Talaga, Sir?" tanong pa niya.

"So, ano po ang ibig sabihin kapag nagbigay ng bulaklak ang lalaki?" tanong din ni Mhay.

"It means, you're special to him," sagot ng director.

Nagkatinginan sila ni Mhay, agad itong ngumiti sa kanya. Isang klase ng ngiti na nanunudyo. Biglang naalala ni Darlene ang pambubuking ng mga kapatid ni Steven, na crush daw siya nito.

"Kaya ito na ang tamang oras para i-convince siya, use this opportunity. We need him in the group, at kailangan na natin siya dito as soon as possible," sabi pa nito.

Hindi agad siya nakasagot. Biglang bumigat ang dibdib niya sa sinabi ng director nila. Parang lumalabas na sasamantalahin niya ang pagkakataon para lang makuha ang kailangan dito. Pakiramdam niya ay may hindi tama.

"Si-sige po," nauutal na sagot niya.

Matapos nilang mag-usap ng director ay sabay na silang lumabas ni Mhay ng auditorium. Nasa school ground na sila ng matanaw si Steven na nakaupo sa ilalim ng puno.

"Sige na, mauna na ako. Nandiyan na 'yong suitor mo, ay mali, 'yong nililigawan mo," paalam ni Mhay.

Napatingin siya sa kaibigan saka tumawa. "Ikaw talaga, ang lakas mong mang-asar," sabi pa niya.

"Eh kasi naman ang gulo, ikaw ang nanliligaw pero mas mukhang siya ang nanliligaw sa'yo. O sige na, babush!"

"Bye! Ingat," paalam niya.

Paglingon ni Darlene sa puwesto ni Steven, nagtaka siya dahil wala na ito doon.

"Nasaan na 'yon?" nagtatakang tanong pa niya, sabay lingon sa paligid.

Napapitlag at napahiyaw siya ng mula sa likod niya ay biglang sumulpot ang mukha nito sa gilid niya. Nahampas niya tuloy ito sa balikat, natawa na lang silang dalawa. Hanggang sa hawakan nito ang kamay niya. Muli ay naramdaman ni Darlene ang kakaibang kaba sa kanyang dibdib. Akala niya ay bibitiwan ng binata ang kamay niya, pero hindi nito iyon ginwa. Sa halip, he held her hands tighter, and it feels so good. Tila humaplos sa kanyang puso ang init na hatid ng palad nito. Nang salubungin niya ang tingin nito, her heart started to beat like crazy. Ilang sandali pa ang lumipas bago nagkaroon ng lakas-loob si Darlene na magsalita, hindi na lang niya pinahalata na kinakabahan pa rin siya.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें