CHAPTER NINE - Part 1

866 48 0
                                    

          "DARLENE, wait!" habol sa kanya ni Jason.

Nang maramdaman na hinawakan nito ang kanyang kamay agad niyang binawi iyon, sabay harap at sampal ng malakas. Bakas sa mukha ng dating nobyo ang gulat sa ginawa niya. Iyon ang unang beses na napagbuhatan ni Darlene ng kamay si Jason.

"Darl..." gulat na usal nito.

"Huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ko!" galit na sigaw niya.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nandito na ako, bumalik na ako!" ani Jason.

"Huwag ka ngang umarte na parang wala kang ginawa! Bigla kang nawala, Jason! Ang dali mo naman makalimot, hindi ba nakipaghiwalay ka na lang bigla sa akin?! Ni hindi mo nga sinabi ang dahilan kung bakit! Pati ang stage play nadamay sa pagiging selfish mo! Namroblema kaming lahat ng dahil sa'yo!" sumbat ni Darlene.

"Look, I'm sorry! Kaya nga ako bumalik dito eh, dahil ayos na ang lahat,"

"Pagkatapos ano? Kapag nagkaproblema ka na naman, ganito ulit gagawin mo? Hindi lang sa'yo umiikot ang mundo, Jason!"

"I missed you, Darlene."

Natigilan siya sa narinig mula dito.

"I realized your worth when I left you. Doon ko napatunayan sa sarili ko na nasanay na akong kasama ka, at nakikita ka. Doon ko lang napatunayan na kailangan pala kita. And I'm sorry if I took you for granted, kung may mga pagkakataon na hindi ko nagagampanan ang responsibilidad ko sa'yo bilang boyfriend mo. Nakahanda na rin akong sabihin sa'yo kung bakit ko kailangan umalis at hiwalayan ka. Pero tinupad ko ang sinabi ko, bumalik ako. Ayusin na 'to, please?" sabi pa nito.

That moment, biglang nalito ang isip ni Darlene. Paano naging ganito kagulo na lang bigla ang sitwasyon? Suddenly, she thought about Steven. Wala silang relasyon ng binata, pero alam niya sa sarili na sa pagdaan ng mga araw na nakasama

niya ito. Sa mga panahon na nag-iisa siya, dumating ito sa kanyang buhay at tinulungan siya nitong ngumiti ulit. Napapitlag si Darlene ng bigla siyang niyakap ni Jason.

"I'm sorry, Darl. Please, let's start over again," sabi ng binata.

Nang maalala ni Darlene ang lahat ng pinagdaanan niya noong mga panahon na bigla siyang iniwan ni Jason. Muli niyang naramdaman ang sakit ng mga ginawa nito. Hanggang sa namalayan na lang niya na napaiyak siya.

"I'm sorry. I promise, I'll make it up to you."

Habang yakap siya ng dating nobyo. Wala siyang ibang naaalala kung hindi ang mga yakap ni Steven, ang mabangong amoy ng damit nito. Ang marahan paghaplos nito sa kanyang buhok. Kasabay niyon ay narinig na lang niya ang tinig ng binata mula sa likuran.

"Darlene," narinig niyang tawag ni Steven.

Awtomatikong naitulak niya si Jason palayo saka agad na lumingon sa bagong dating.

"Steven," usal niya.

"May problema ba?" tanong ni Steven.

Sadness. Iyon ang nakita ni Darlene sa mga mata ng binata. Bigla siyang kinabahan ng lumapit sa kanya si Steven.

"Ha?"

"Are you okay?" kalmado na tanong nito.

Marahan tumango ang dalaga. Napatingin siya sa kamay ng hawakan iyon ni Steven at hilahin siya sa likod nito, pagkatapos ay humarap kay Jason.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now