CHAPTER EIGHT - Part 1

918 49 0
                                    

NAGKATINGINAN si Steven at Aven ng marinig na bumukas ang pinto ng Hardin ni Panyang Flower Shop habang nakaupo at nakatago sila sa likod ng counter.

"Hello Jill, nandito na ako sa loob ng flower shop na sinabi mo," narinig ni Steven na wika ni Jeff.

Halos magkasabay silang dalawa ni Aven na binaba ang white mask.

"Ano ba kasi itong pakulo mo?" narinig pa niyang tanong ni Jeff, mayamaya ay tumawa ito.

"Oo na... sige na... hindi mo naman siguro ako kakatayin dito. Sige, ilalagay ko na 'yong blind fold. Hintayin ko na lang 'yong sinasabi mong susundo sa akin dito papunta dyan sa'yo. See you in a bit," sabi pa ni Jeff.

Bahagyang sumilip si Aven, mayamaya ay nag-thumbs up ito, ibig sabihin ay naka-blind fold na ito. Dahan-dahan silang lumapit kay Jeff. Nagulat pa ito ng hawakan niya sa braso, habang si Aven naman ay

"Si-sino kayo?" tanong pa nito.

Hindi sila sumagot dahil isa sa pinagbabawal sa kanila ay ang magsalita sa tuwing may confession. Maaari kasing makilala ng misyon nila ang boses nila.

"Saan n'yo ba ako dadalhin? Nasaan si Jill?" tanong na naman nito.

Mayamaya ay nakarating na sila sa loob ng LCS Hide Out. Dinala nila si Jeff malapit sa stage, kung saan naghihintay si Jill. Pagkatapos ay agad silang nagtago sa likod ng mga kurtina.

Napalingon si Steven kay Darlene. Naroon ang dalaga, inimbitahan ito ng Tita Panyang niya.

"Ano na ang mangyayari?" pabulong na tanong nito.

"Watch it, pero mukhang hindi ka makaka-witness ng successful confession ngayon," sabi pa nito.

"Okay lang 'yon. Ganoon naman talaga sa totoong buhay, di ba? Hindi palaging

happy ending," sagot ni Darlene.

Napahinto sila sa pag-uusap ng magsalita na si Jill, na ng mga sandaling iyon ay nakasuot din ng face mask na pang babae. Paglingon niya kay Darlene ay pinapanood na nito ang mga nangyayari, kaya doon na rin tinuon ni Steven ang atensiyon.

"Jeff,"

"Jill?"

"Puwede mo ng alisin ang blindfold mo," sabi pa ng dalaga.

Nakita niyang sinunod nito ang sinabi ni Jill. Agad itong napalingon sa paligid.

"Nasaan ako?" tanong pa ni Jeff.

"Hindi ko rin alam kung saan itong lugar na ito. Basta ang alam ko, sila lang ang makakatulong sa akin," sagot ni Jill.

Napatingin si Jeff kay Jill, pagkatapos ay umakyat ito sa stage. Saglit pa nitong tiningnan ang paligid. Maging ang design na nasa paligid.

"Hey, what's going on?" tanong pa nito.

Inalis ni Jill ang face mask, pagkatapos ay tumingin kay Jeff.

"I'm here to confess to you," sagot nito.

Nakita ni Steven na saglit na natigilan ang lalaki.

"Anong ibig mong sabihin na confess? Ano ang iko-confess mo sa akin?" tanong ni Jeff.

"Simula noong naging magkaibigan kayo ni Kuya, hanggang sa naging mag-bestfriend kayo. Inis na inis ako sa'yo noon, kasi nayayabangan ako sa'yo. Feeling mo palagi ikaw ang magaling, tapos kayo palagi ni Kuya ang magkasama. Kahit sa family gathering o kung ano man lakad ng pamilya namin, kasama ka pa rin. Pero nagbago ang lahat, noong iligtas mo ako noong nalulunod ako, pagkatapos nakita ko kung gaano ka ka-concern sa akin. It struck me suddenly, na kaya pala ako naiinis noon sa'yo. Kasi hindi mo ako pinapansin, and then I realized, I am in love with you,

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now