CHAPTER SIX - Part 2

912 64 4
                                    

NAGISING si Steven sa malakas na tunog ng alarm clock niya. Mabigat pa rin ang mga mata na dumilat at pilit na inabot iyon saka in-off. Kung puwede lang nga na huwag na siyang pumasok at matulog na lang maghapon, kaya lang ay may long quiz siya sa isang major subject niya kaya hindi siya puwedeng lumiban sa klase. Ilang sandali pa ay narinig niyang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Napakunot noo si Steven ng makita na anonymous ang number.

"Sino 'to?" tanong pa niya, sabay napaupo sa ibabaw ng kama.

Parang may automatic switch on ang labi niya ng bigla na lang siyang napangiti matapos mabasa ang mensahe at makita kung kanino galing iyon.

"Good morning, Steven. Gising ka na? Check your messenger, have a nice day. See you later! – Darlene," sabi ng dalaga sa mensahe nito.

Hindi siya masyadong mahilig mag-text, madalas kasi ay kinatatamaran niya iyon dahil puwede naman tawagan. Pero iyon ang unang beses na natuwa siya sa pagte-text. Dahil sinamahan pa ni Darlene ng emoticons na heart ang hugis ng mga mata at ang isa naman ay naka-pout.

"Good morning din, see you later," reply niya sa mensahe nito at may heart shape pa sa dulo ng text niya. Matapos magreply ay chineck niya ang messenger niya. Bumungad doon ang isang video message galing kay Darlene.

Parang nawala ang antok ni Steven ng i-play ang video na pinadala ng dalaga. Naka-focus sa piano ang camera, pagkatapos ay tinugtog nito ang piyesa na kinanta nilang dalawa. Hanggang sa marinig niya ang malamig at magandang na tinig nito ng sabayan nito ang kanta.

Wala sa loob na napahawak si Steven sa tapat ng puso niya. Kay bilis ng pintig niyon, at hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Hanggang sa mapalingon siya sa bedside table at makita ang long stemmed rose na binigay ni Darlene. Wala siyang hilig sa mga halaman, lalo sa bulaklak. Pero sa unang pagkakataon, he learned to appreciate it. Sa tuwing nakikita niya ang kulay pulang rosas na iyon ay ang imahe ng magandang mukha ni Darlene ang pumapasok sa kanyang isipan.

Matapos kumanta ni Darlene sa video ay finocus na nito ang camera sa mukha nito. At sinalubong siya nito ng magandang ngiti, na lalong nagpalakas ng kabog ng puso niya.

"Nagustuhan mo ba? I hope so, pero mas maganda sana kung kasama kitang kakanta. Ano? Yes na ba? Bye," malambing na sabi nito sa video.

Natatawa na lang siya at napailing, pagkatapos ay bumuntong-hininga si Steven.

Wala siya talagang balak mag-give up, aniya sa kanyang sarili. Bigla siyang bumangon at tiningan ang repleksiyon sa salamin.

Kaya mo bang kumanta sa harap ng maraming tao? Will you accept the offer? Tanong pa niya sa sarili.

Muli siyang humugot ng hininga saka sinuklay ng mga daliri ang buhok niya.

"Bahala na," sabi niya.



NAPANGITI si Darlene ng makita ang reply ni Steven sa messenger. Isang bouquet of flowers na sticker. Napatingala siya ng biglang tumunog ng malakas ang bell, ibig sabihin ay tapos na ang klase nila. Bago lumabas ng room ay nagbilin pa ang Professor nila ng tungkol sa project at assignments nila, matapos iyon ay agad silang nagtayuan at isa-isang lumabas.

"Saan ka tatambay? One hour ang vacant period natin," tanong ni Mhay.

"Ewan ko, sa school ground siguro. Puwede rin sa canteen," sagot niya.

"Sama ako, sa canteen na lang tayo. Nagugutom din ako," anito.

"Nasaan ang boyfie mo?" tanong niya.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora