CHAPTER FOUR - Part 2

913 47 1
                                    

"ANONG oras ba daw pupunta si Mhay?" tanong ni Darlene kay Julianna habang papasok na sila ng kalye ng Tanangco. Kagagaling lang nila sa JHIU at may naka-schedule silang rehearsals kasama ang vocal coach nila. Nauna lang silang dalawa dahil nagkataon na sabay natapos ang klase nila. Pagdating sa tapat ng tindahan nila Olay ay hininto ni Julianna ang kotse nito saka automatic na bumaba ang bintana sa side niya.

"Hi Ninong," bati ni Julianna kay Olay.

"Good Afternoon po," nakangiting bati rin niya.

"Mas maganda pa kayo sa hapon mga hija," sagot nito, sabay ngiti rin sa kanya.

Bumaba na doon si Darlene, habang si Julianna naman ay pinasok sa garahe ang kotse nito pagkatapos ay bumalik din ito sa labas. Mayamaya ay dumating si Regine. Gusto niyang matawa dahil parang sinasadya nitong i-kendeng ang balakang habang naglalakad palapit sa kanila. Napatingin siya kay Julianna ng tumawa ito.

"Kaloka kang babae ka! Kailangan humahampas ang balakang kapag naglalakad?" tanong ni Julianna.

"Eh ganoon talaga, kailangan laging handa," sagot nito.

"Handa saan?" tanong naman ni Olay.

"Handa sa pagdating ni Maceo, baka mamaya biglang sumulpot 'yon. At least naka-ready ang balakang kong supladahan siya," sagot nito sabay biglang tikwas ng isang kilay.

Gustong tumawa ni Darlene dahil sa nakakatawang reaksiyon ng mukha nito. Para kasing lalo itong gumaganda kapag nagtataray. Bigla siyang ngumiti ng tumingin ito sa kanya, sabay baling kay Julianna.

"Uy Ulyang! Wala ka bang napapansin kay Darlene?" tanong pa nito habang nakatitig sa kanya, tuloy ay napatingin din sa kanya si Julianna.

"Wala naman bukod sa maganda siya," sagot ng huli.

"Mukha siyang anime, 'yong magagandang anime na napapanood natin," sabi nito.

"Ay oo nga! Maraming may crush diyan sa theatre club," pagmamalaki pa ni Julianna.

"Sabihin mo huwag na silang umepal, nakatadhana na itong si anime girl kay Esteban Santos!" sabi ni Regine, sabay ngiti sa kanya.

"Halika nga, doon muna tayo sa flower shop namin. Nandoon si Mommy," yaya nito.

Bago pumasok si Darlene sa loob ng flower shop ay bigla niyang naalala ang nangyari noong nakaraan linggo. Nang aksidente niyang nalaman ang Love Confessions Society. Sino nga ba ang mag-aakala na sa likod ng maliit at cute na lugar na iyon ay may lihim pala itong tinatago? Wala sa loob na nasulyapan ni Darlene ang malaking puso na naka-display sa harap mismo ng shop. May ilang mga papel ang nakasabit doon. Sigurado siyang mga confession letters iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala ang curiosity niya sa LCS. Gusto niyang makita kung ano ang eksaktong ginagawa ng grupong iyon. Pagdating sa loob ng flower shop ay pinakilala siya ni Regine sa Mommy nito.

"Nice to meet you po," magalang na wika niya.

"Nice to meet you rin, hija. Just call me, Tita Panyang," sabi pa nito.

Panyang. Ah, siya ang sinasabi ni Steven na founder ng Love Confessions Society, sabi pa niya sa sarili.

"By the way, hindi ba't ikaw iyong ang kumanta diyan sa harap ng tindahan ni Olay?" tanong pa nito.

"Opo, ako nga po 'yon," sagot niya.

"Alam mo bang hinahanap ka ng mga tao dito? Nagtatanong sila diyan kay Olay kung kailan ka daw babalik," sabi pa nito.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя