CHAPTER FIVE - Part 1

902 57 1
                                    

MINSAN iniisip ni Darlene na parang gusto niyang pagsisihan na pumayag siyang ligawan si Steven. Una, ano naman kasi alam n'ya sa panliligaw? Pangalawa, hindi lang ito basta kung sino lang. Ang nililigawan niya ay si Steven Santos na halos latagan ng red carpet ng mga babaeng may gusto dito sa tuwing naglalakad ito. Pero sa tuwing naiisip niya ang musical play nila ay bumabalik ang determinasyon niya.

Huminga ng malalim si Darlene at pilit na pinuno ng lakas ng loob ang dibdib niya. Nang tingnan niya ang bahay nila Steven, napanganga siya. Hindi iyon kasing laki ng mansiyon, two-storey house pero modern ang design ng bahay sa labas pa lang. Kung tutuusin, maliit ang ganoon klase ng bahay para sa mga gaya ng pamilya nito na may-ari ng isa sa pinaka-malaking kompanya hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Pinapatunayan lang ng nakikita niya ang kababaang-loob ng pamilyang iyon. Agad nawala ang atensiyon niya ng bahagya siyang mapa-aray ng matusok ang daliri niya ng tinik ng rosas na hawak at tinatago sa likod. Pakiramdam niya ay parang tinutulak na siya nito para pindutin ang doorbell.

"Oo na nga, eto na," pagkausap niya sa bulaklak.

Maghapon niyang hindi nasilayan si Steven sa campus. Ayon kay Julianna ay busy daw ito dahil sa dami ng ginagawa sa mga subjects nito. Sa pangalawang pagkakataon ay huminga siya ng malalim saka sa wakas ay nagawa niyang pindutin ang doorbell button. Parang gusto niyang kumaripas ng takbo ng marinig ang tunog niyon sa loob ng bahay.

Jusmio, makukurot ako sa singit ng nanay ko nito kapag nalaman niya itong ginagawa ko, kabadong sabi niya sa sarili.

Ilang sandali pa ay may lumabas na isang kasambahay, kasunod nito ang isang babaeng maganda at kamukha ni Steven.

"Good evening po," bati niya.

"Ano po iyon?" magalang na tanong ng kasambahay.

"Itatanong ko lang po sana kung nandiyan si Steven?" tanong din niya. Bigla siyang tumikhim ng marinig na parang nanginginig ang boses niya. Paano kasi ay parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba.

"Uy kilala kita! Di ba ikaw 'yong magandang kumakanta diyan noong nakaraan linggo?" nakangiting bulalas ng magandang babae, sabay baling sa kasambahay.

"Sige po Manang, ako na dito," nakangiting pa rin na wika nito.

Pag-alis ng kasambahay ay ito na nga ang humarap sa kanya.

"Ako nga 'yon," nakangiti rin na sagot niya.

Mayamaya ay may dumating naman na isa pang lalaki, medyo may hawig din ito kay Steven.

"Uy si Miss anime, 'yong astig na naggi-gitara at maganda ang boses!" malakas ang boses na sabi pa nito sa mismong tapat ng tenga ng babae.

Bahagyang napapikit ang babae saka tumingin sa katabi, sabay amba ng batok.

"Kailangan talaga sumigaw sa tapat ng tenga ko? Baka magising 'yong natutulog na dragon sa loob, pektusan kita diyan eh!"

Hindi napigilan ni Darlene ang mapangiti sa makulit na pag-uusap ng dalawa.

"Ako pala si Darlene, puwede ko po bang makausap si Steven?" tanong niya.

"Ay oo, nandito siya. Halika, pasok ka," anyaya sa kanya ng babae.

"Naku hindi na, dito na lang ako. May iaabot lang naman ako sa kanya, kailangan ko rin bumalik kila Julianna dahil may rehearsal pa kami. On break lang ako," sagot niya.

"Ah okay, ako nga pala si Chinchin, ang ate ni Esteban... este...Steven pala. Itong mukhang kuto sa tabi ko, si Tony, bunso namin," pagpapakilala nito.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now