CHAPTER TEN - Part 2

1.9K 129 17
                                    

PANSAMANTALA munang isinantabi ni Darlene ang lahat ng gumugulo sa kanyang isipan at nag-concentrate sa musical play. Sa bawat eksena na ginawa niya kasama si Jason. Hindi sinasadya ni Darlene na maging unfair, pero sa tuwing tumitingin siya sa mukha ng kapartner, si Steven ang kanyang nakikita. Sa bawat pagkanta nito, boses pa rin ng binata ang kanyang naririnig. And she missed everything about him. Kung mayroon man siyang hinihiling sa mga sandaling iyon, sana ay kasama si Steven sa audience na nanonood sa kanya.

They are down to the last scene, then, the musical play will come to an end. Nakalagay sa original script nila na ang huling eksena at ending ng play ay ang eksena nilang dalawa ni Jason kung nasaan kunwari ay nasa isang bukid sila. Nag-perform din sa scene na iyon ang ibang lahat ng cast. Pero one week bago ang maganap ang musical play, biglang dinagdagan ng isang sequence ang script nila. Iyon nga ang special duet nila ni Jason.

Darlene is wearing a powder blue sleeveless dress, lagpas hanggang tuhod ang haba ng laylayan niyon sa unahan at mahaba sa likod. Isang intimate duet ang huling eksena nilang dalawa ni Jason, habang tumutugtog ito ng piano. Eksena na muling magkikita ang mga karakter nila na sila Clyde at Selena matapos ng pinagdaanan pagsubok. Ang setting ay nasa itaas ng malaking stage lift sa bandang kaliwa ang grand piano at doon ito tutugtog, sa second verse, kung saan part na ni Jason ay saka lang iyon bababa. Sa pinakagitna ng stage ay may mga nakabitin at paikot na mga led light bulbs, habang nakatayo siya sa gitna niyon at kumakanta.

Nang dumating siya sa stage ay nasa itaas na ng lift si Jason.

"Okay na si Jason sa taas?" tanong pa ng stage director sa isang staff.

Nag-okay sign ito, pagkatapos ay siya naman ang tiningnan nito.

"Go Darlene, doon ka na sa gitna. And music will start in eight seconds," sabi pa nito.

Humugot ng malalim na hininga si Darlene pagtungtong ng mga paa niya sa gitna ng stage. Mula doon sa kinatatayuan niya ay kita ang buong auditorium na puno ng mga nanonood. Nang tumunog ang piano na nasa itaas ng lift, agad siyang nagpaskil ng magandang ngiti, kasabay niyon ay umilaw ang mga light bulbs at tila sumasabay iyon sa saliw ng musika, dahil kusa iyong umiikot sa paligid niya.

Matapos marinig ang cue para pumasok siya sa first verse ay pumikit si Darlene at nagsimulang kumanta.

"Narito ako at nakatanaw sa dilim ng kalangitan. Walang ibang nasa isip kung hindi ikaw. Iniisip kung nasaan ka, hinihiling na sana'y kapiling ka..." pagkanta ni Darlene.

Biglang napatingala si Darlene ng marinig ang boses ng kumanta sa second verse. Nakakasiguro siya na hindi si Jason ang nagma-may-ari ng tinig na iyon. Nagsimulang mangilid ang luha niya, habang sinusundan ng tingin ang stage na dahan-dahan bumababa. Tuluyan umagos ang kanyang luha ng makumpirma ang hinala. Si Steven at hindi si Jason ang kumakanta. Habang nagdu-duet sila pagdating sa chorus ay hindi niya magawang mapigilan ang pag-iyak. Everything seems like a dream. Kanina habang nasa kalagitnaan sila ng musical play, nangangarap lang si Darlene na sana'y masilayan niya si Steven kahit man lang sa audience. Kaya ng patapos na ang play ay nagsimula siyang makaramdam ng lungkot. Buong akala niya ay tuluyan na siyang natis ni Steven.

Nang dumating ang part kung saan sasabihin na niya ang dialogue. Tumayo si Steven at naglakad palapit sa kanya, kasabay niyon ay unti-unting umangat ang mga light bulbs. Isang matamis na ngiti ang sinalubong nito sa kanya.

"Steven," hindi niya napigilang usal.



THAT MUST be the craziest thing he ever did in his entire life. Ang kausapin ang director at staff para payagan siyang gawin ang huling part ng musical play. Pumayag naman ang mga ito, pero ang hindi niya inaasahan unang magbibigay sa kanya ng permiso ay si Jason.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now