CHAPTER TEN - Part 1

951 51 0
                                    

"KUNG MAGSASALITA ako tungkol sa nangyari sa Tatay mo, gusto ko na kaharap ang Nanay mo," walang ngiting sagot ni Mister Santos.

Imbes na papuntahin ang Nanay niya doon sa opisina ng daddy ni Steven. Nagprisinta ito na mismo doon mag-usap sa bahay nila. Inaasahan na ni Darlene ang malamig at hindi magandang pagharap nito sa kanyang kasama. Ayaw pa nga ng Nanay niya na kausapin si Mister Santos, pero giniit ang huli.

Pagdating sa loob ng bahay, may nilapag na folder sa ibabaw ng mesa ang daddy ni Steven.

"Narito ang totoong nangyari noon, Misis. Nariyan ang report," ani Mister Santos.

Napakunot-noo ang kanyang ina habang binabasa ang hawak na papel.

"Ano po ito?" tanong ni Darlene.

"Investigation report iyan ng nangyaring nakawan sa loob ng opisina ko. At accomplice si Renato ng mga dating empleyado kong nagnakaw ng pera at iba't ibang mamahalin gadgets ng DigiCom International. But upon our investigation, nalaman namin na napilitan lang si Renato na makisama sa kanila dahil sa nahuli niya sa akto ang mga habang nagpupuslit ng mga gadgets mula sa kompanya. Dahil sa pagbabanta, napilitan siyang sundin ang lahat ng sinabi nito. Later on, nalaman ng lahat ang mga kalokohan ginawa nila. Ang tatay mo ang tinuro nilang mastermind, bagay na kinagulat ko."

Napatingin siya sa Nanay niya. Noon lang napansin ni Darlene na umiiyak na pala ito, isang bagay na bihira niyang makita. Matatag ang loob ng kanyang ina, matapang at hindi emosyonal na tao. Kung hindi siya nagkakamali, ang huling beses niyang nakitang lumuha ito ay ng ilibing ang kanyang ama, ilang taon na ang nakakalipas.

"So, I hired my personal investigator. Gusto kong malaman ang totoong nangyari, dahil malakas ang pakiramdam ko noon na may mali sa mga nangyari. Matagal ko ng tauhan si Renato, at isa siya sa kilalang masipag at pinakamapagkaka-

Tiwalaan sa loob ng kompanya. Matapat at mabuting tao, kaya hindi ako agad naniwala sa mga sinabi ng kasama niyang mastermind ito. I found out the truth, nalaman ko na nadamay na siya. I am willing to fight for him, pero nasira na sa buong kompanya ang pangalan ni Renato. Bukod doon ay lahat ng mga empleyado at opisyal na dati niyang tinulungan ay pinagtulungan din siya para mapaalis sa kompanya. Wala akong magawa, naging basehan ng mga ito ang partisipasyon ni Renato sa pagnanakaw ng mga kasamahan niya. Iyon ang dahilan kaya natanggal siya sa trabaho."

"Bakit hindi po namin alam 'to?" umiiyak na rin na tanong ni Darlene.

"Dahil nakiusap siya sa akin na ilihim ito sa inyo. Lalo sa iyo, Darlene. Ayaw ng Tatay mo na masira siya sa paningin mo. Siya daw kasi ang idol mo, at gusto niyang manatili na ganoon ang tingin mo sa kanya. Ayaw ni Renato na masira ang pangarap mo na maging stage play actress ng dahil sa kanya," sagot ni Dingdong.

Napahagulgol silang mag-ina. Nang mga sandaling iyon, nagkaroon siya ng pagkakataon na hawakan ang kamay ng ina at iparamdam na hindi pa rin ito nag-iisa. For the first time, naramdaman ni Darlene na ang higpit ng pagpisil nito sa kanyang kamay. That moment, she felt they became each other's strength, habang unti-unti nilag nalalaman ang totoo.

"Hindi ko alam na dinamdam ng husto ni Renato ang mga nangyari. Sinubukan ko siyang tulungan, alukin ng ibang trabaho. Pero tumanggi siya, masyado na daw akong maraming naitulong at ayaw daw niyang abusuhin ang kabaitan ko," dugtong pa ni Dingdong.

"Noong araw na pumunta siya sa opisina para makiusap, wala ako doon ng dumating siya. Ang sabi ng Assistant ko, pinagtabuyan siya ng mga empleyado. Iyon ang dahilan kaya inatake siya sa puso. Nasa ospital na siya ng makabalik ako ng opisina, agad akong tumakbo sa tatay mo matapos kong mabalitaan ang nangyari. Hanggang sa huling sandali, Darlene. Ikaw pa rin ang nasa isip niya, ang pag-aaral mo at ang kinabukasan ninyong mag-ina."

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Where stories live. Discover now