CHAPTER SEVEN - Part 2

1.1K 55 5
                                    

          "ANG DAYA mo talaga, sabi ko na nga ba eh! May plano ka," protesta ni Darlene.

Parang lalo pang nang-asar si Steven ng tumawa ito ng malakas kaya napalo niya ito sa braso.

"Aray!" tumatawang daing nito.

"Ikaw eh, ang daya mo!" nakasimangot na reklamo niya.

Pagkagaling nila sa fast food chain, palabas na sila ng mall ng biglang magreklamo si Steven. Nabitin daw ito sa kinain nila, kaya bigla siyang hinila nito sa isang restaurant at bumili ng pagkain at tinake-out nito.

Kanina pa niya nahahalata ang binata. Ayaw siya nitong pagastusin, noong una sa arcade, giniit nito na gamitin ang card nito imbes na bumili siya. Noong kakain naman, mukhang sinadya nitong French fries at softdrinks lang ang kainin. Nahiya na tuloy siyang umorder ng iba kaya iyon na lang din ang inorder niya.

"Look, hindi ko hahayaan na ang babae ang gumastos sa date namin. Pinalaki akong gentleman ng tatay ko, kaya huwag ka ng makipagtalo. Pinagbigyan na nga kita doon sa fast food eh," depensa nito sa sarili.

"Ah, ganon? So, utang ng loob ko pa pala?" pagsusungit niya, saka inirapan ito.

Imbes na mag-alala sa pagtataray niya ay tumawa lang ito. Tinabi nito ang kotse sa isang parking lot, pagkatapos ay lumingon sa kanya.

"Sorry na, but I really can't let you spend for me. Ang mga babaeng gaya mo, ang mga lalaki ang dapat gumastos para sa'yo," sabi pa nito.

Natigilan si Darlene. Umabot ang emosyon ng mga salitang iyon sa kanyang damdamin, na nagdulot ng muling pagpintig ng mabilis ng puso niya. Tumkhim si Darlene saka pilit na ngumiti, sa ganoon paraan ay maitatago niya ang kabang ayaw umalis sa kanyang dibdib.

"O sige na nga," kunwa'y sagot niya.

Ngumiti si Steven sa kanya, pagkatapos ay bumaba ito at pinagbukas siya ng pinto ng kotse. Sabay silang pumasok sa dalawang palapag na gusali. Umakyat sila sa second floor at doon sila pumwesto sa veranda. Pinatong nito ang mga pagkain sa ibabaw ng mesa. Pagtingin ni Darlene sa view ay bumungad sa kanya ang maganda at malawak na tanawin ng buong siyudad. Mataas ang bahay na iyon at animo nasa tuktok ng pinakamataas na parte ng subdivision kaya kita ang evening view ng buong paligid. Sa kabila ng kadiliman ng paligid, napuno ng magandang ilaw ang paligid galing sa mga daan at gusali.

"Ang ganda naman dito, kanino itong bahay na 'to?" tanong pa niya.

"Sa Mommy ko, actually, opisina ito. Dito niya mini-meeting ang mga sponsors ng orphanage na pinatayo niya," sagot ni Steven.

"Ang galing," puri niya sabay lingon sa paligid.

"Oh kain na tayo, aminin mo, nabitin ka rin sa kinain mong fries," anito.

"Ikaw kasi eh!"

"Sorry na nga, di ba? Kaya kumain ka na, para maihatid na kita sa inyo. Baka pagalitan ka pa ng nanay mo, sabihin nakikipag-ligawan ka na lang palagi," pabirong sagot ni Steven.

Natawa siya. "As if naman, hindi naman palagi kumikibo si nanay. Saka kanino naman ako nakikipag-ligawan? Eh alam naman niyang wala na kami ni Jason," sabi pa niya.

"Sa akin," mabilis na sagot ni Steven.

Napatingin siya sa binata. Parang sinipa ng malakas ang dibdib niya ng makitang deretso itong nakatingin sa kanya.

"Ha?"

"Hindi ba nanliligaw ka sa akin?" tanong pa nito.

"Ah... oo," kabadong sagot niya.

Love Confessions Society Series 3: Steven Santos (Tanangco Boys Batch 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora